Friday, November 20, 2009

56 ["2012"]

Aba naman! Napakanda ng araw ko ngayon. Maliban sa pakikipag-daldalan at pakikipag-biruan sa mga kamag-aral (na na-miss ko) sa loob ng silid-aralan eh nakanuod pa ko ng napakandang pelikula. At ang masarap pa dun eh nalibre pa ko. Sa pamamagitan yan ng kaibigan at kaklase ko si Apol pati si Marky! haha!
Ang unang naisipan nilang panuorin ay ang "New Moon" kaso nagbago isip nila eh, kaya "2012" nalang ang pinilahan namin.
Grabe! ang astig ng pelikulang yon, maliban sa unti-unting gumuguho ang mga lupain sa bawat bansa, nakaka-nerbiyos den ang mga tampok na artista. Ibang klase talaga, dapat mapanuod niyo. (para masaya) May halo din namang komedya.
Masasabi kong may "thrill" yung pelikula na yun, kasi mapapasigaw ka talaga sa bawat eksena na tumatakas yung isang pamilya, na syang naka-survive sa hulig parte ng palabas na yon.





Natatawa pa nga ko nung parteng inililigtas na nung lalake yung pamilya nya, kasi biglang nagsigawan yung mga manunuod ng "SOUNDS" at "VOLUME" haha!
Bigla ba namang kasing humina yung sounds. Tapos, nagkaron pa ng konting problema at inihinto pansamantala ang palabas. Tapos bigla ulit sumigaw yung mga nanunuod ng "refund", "sayang yung 150" haha!
Hanggang sa umingay na sa buong sinehan. At napansin ko lang na halos lahat ng nanuod eh mga istudyante at kasama na kame dun.

Astig talaga...
Napaka-ganda!!
Yun lang...

Thursday, November 12, 2009

55 ["halfway gone"]

...
Sa ngayon, kasalukuyan ko paring ini-enjoy ang mahabang pahinga sa eskwela. At bahagya ko ng nalalasap ang kabugnutan habang umaandar ang oras. Halos isang buwan na kong nag-aantay ng kakaibang pangyayare, bukod sa manuod ng "Paranormal Activity", na hanggang ngayon eh naiisip ko parin gabi-gabi ang "patayang" nangyari sa mag kasintahan, ng dalawang beses. Itong darating na lunes ,balik eskwela na ko at di ko alam kung kelangan ko bang ma-eksayt dahil maaamoy kong muli ang kakaibang amoy ng campus at silid-aralan. Naku, ilang araw na nga lang eh ni hindi ko pa nga alam yung matino kong iskedyul, pero natutuwa naman ako dahil yung mga ka-eskwela ko ngayong sem eh, hindi pa alam yung nasabing bagay na hindi ko alam... (?)
Sa totoo lang, wala talaga silang alam, at hindi nila alam na wala silang alam, at masaya na silang walang alam!
Na-realize ko lang sa buhay eh, mahirap mag "southbeach diet".
Di ko naman kasi matanggap na kinukumpara ang braso ko sa braso ng iba! Nakakaloka namang magbawas ng timbang kapag ang nakasanayan mong gawin sa maghapon eh malayo dun sa mga gawain na nais mong mangyari.

Pero hindi ko rin lubos maisip na....hmmm...di ko talaga maisip!
Masaya naman ako sa buhay ko sa kasalukuyan dahil isa akong dakilang palamunin sa bahay at may natatanggap na alawans araw-araw! haha!
Ang umupo sa harap ng teknolohiyang ito ang isa sa mga pampalipas oras ko, nakakatuwa naman kasi mas masayang gawain to kesa sa manuod ng HBO at nickelodeon oras oras...