Wednesday, March 17, 2010

60: [Nagbabalik!!]

Nakapag-blog den ulet... Medyo matagal na nung huli akong nag-apdeyt ng blog na ito!
eniweys... Madaming pangyayari ang hindi ko pa naibabahagi sa blog na ito sa kadahilanang, masyado akong naging abala nitong nagdaang dalawang buwan. Nag-iba na pala ako ng ruta patungo sa eskwelahan. At napagtanto ko na mas mabilis ang rutang dinaraanan ko sa ngayon. mula sa tahanan, sakay ng bus, baba ng cubao, lakad konti, sakay ng LRT, baba ng legarda isteysyon, lakad ulet konti at yun! medyo nakakapagod, pero pareho lang nung dati kung ruta, mas mabilis nga lang ngayon! At ispiking op eskwela.. Kagimbal-gimbal ang ang mga pangyayari sumalubong saken nitong huling dalawang buwan. Kung kelan Finals, saka naman kami hinarass, tinambakan at tinadtad ng kung anu-anong proyekto at aktibidad sa bawat asignatura! Masyado kaming mahal ng mga propesor...bakit ganun?? Punung-puno ng presyur ang bawat-isa sa amin. Pero kahit ganun, nagagawa parin naman naming magpa-petiks petiks. Nasa ikalawang taon palang ako, nararanasan ko na ang mga pahirap na posible kong maranasan sa ikatlo at ika-apat na taon ko at mas higit pa dun.

Nagsimula na ang aming 'finals exam' at nakakatuwa naman dahil yung iba naming propesor ay hindi na kami masyadong pinapahirapan pa..(oi, hindi daw oh) haha.

sana naman maging maayos ang lahat para sakin!! ü