hay...muntik pang madelikado yung grado ko sa P.E saka sa nat.science!
kaba to da maks ang nadama ko, kagabi palang hanggang kaninang umaga!! naging tanga kasi ako sa pagdidisisyon ko kahapon...
kung bakit naman kasi hindi ako kumuha ng prelim eksam?!
umaasa kasi akong makokompleto ko yung rekwayrments na hinihingi saken...
umaasa akong magiging eksemted ako sa prelim...
hindi ako nagsigurado sa desisyon ko!!
eh wala pa namang espesyal na eksam na ibibigay...
wala na rin kasi akong nagawa sa huling segundo ng desisyon ko!!
eh tapos na kasi eh...
ayun...paggising ko kaninang umaga naging 50-50 yung pag-asa ko!!
last day na kasi ngayong araw ang pagpasa ng rekwayrments...
hanggang sa dumating yung oras na tiwala at paniniwala nalang ang inaasahan ko...humingi pa ako ng dasal sa iba..(kamusta naman?)
eh sino ba kasi ang gustong lumagpak ang grado?!
syempre hindi ako yun!!
naisipan ko nalang na pumunta sa eskwelahan,
nagtapang-tapangan akong kausapin yung propesor ko!!
ayun...sermon ang inabot ko!!
eh kaysa naman wala akong gawin...
kasya naman maghintay ako na lumipas ang oras sa loob ng kwarto ko na walang ginagawa!!
sa tagal ng pag-uusap namin...naawa yung prof ko!
salamat...
binigyan ako ng espesyal na eksam...!!!
ang kapalit...bawas ng lima sa prelim sakop ang dalawang asignatura!!(aray!!)
pwede na yun...kesa naman kwatro ang makuha ko na grado!!
buti nalang madali lang yung eksam...
sigurado ako...pasado!!
haaay...ellay!! buti nalang!!
pagtiyagaan mo nalang yung matatanggap moh..!!
tnx God...love mo talaga ako!!
No comments:
Post a Comment