...
di gaanung maingay, tulad nung nakaraan..
pero masaya..as in!!
kahit masama ang panahon...na-enjoy namin ang bagong taon!!
sulit na ang isang palanggana at istik..
yero at bakal...
tilian at sigawan...
kwitis..(haha!!)
torotot at malakas na bolyum ng ispiker, para salubungin ang bagong taon!!
ansaya diba?!
kasama ko ang pamilya at kapit-bahay ko sa labas ng tahanan habang nagkakasiyahan!!
nakalimutan kong tumalon...pero ayus lang!!
pagtapos kong kumain sa bahay...nangapit-bahay nako para lumamon..ulit!(hehe!)
sinulit ko na yung mga handa nila...baka masayang!
pagtung-tong sa huling bahay na pinuntahan ko...tambay muna at nag bidiyo-oke!!
di naiwasang nagkatagayan...(nomo tym!!)
hindi alam yun ng mahal kong mga magulang!!
kasama mga tropa...!!
auz...kasulit-sulit ang hating-gabi na yun!!
pasado alas-kwatro na ko nakapag-pahinga!!
masaya talaga ang araw na yun...
marami ba naman kaming nagsasaya din!!
ikatlong araw na ng bagong taon...
medyo, nakalimutan ko na ang eskwela!
hindi ko nga alam kung kelan ang regular na klase!!
ayos lang, madali lang naman magtanong eh!!
No comments:
Post a Comment