Wednesday, March 30, 2011

Tunay o nagtutunay-tunayan?

Ano bang basehan ng isang tunay na kaibigan? Sya ba yung taong nagpapasaya sayo? yung taong madalas kang ilibre? Yung taong napagkakatiwalaan mo? Yung nasasabihan ng mga malulupit na sikreto? Yung tanggap yung katangahan mo? Yung taong kausap mo sa text ara-araw? Yung taong sinasamahan ka sa trip mo? Yung mga taong marunong sakyan ang mga biro mo? Yung taong pwede mong iyakan at labasan ng sama ng loob? Madaming pwedeng tignan at basehan, pero alin sa mga yon ang pwede mong panghawakan?
Napaka-swerte natin siguro kung ang mga nabanggit na katangian ay nasa mga kaibigang nasa paligid natin. Sa totoo lang, ang mga kaibigan na nakilala at nakakasama natin ngayon ay dating mga tinatawag natin na "stranger", wala talaga tayong ideya na makikilala natin sila. Minsan naisip ko, pano kung sa ibang eskwelahan ako nag-enroll? sila padin kaya ang magiging kakulitan, kakwentuhan, kaharutan at kaibigan ko?
Napakasaya magkaroon ng kaibigan, karamay, kausap, katawanan. Ang mga kaibigan natin ang isa sa mga dahilan ng kasiyahan ng isang tao, para maging kumpleto ang araw nya, kumbaga, kung ano ang nakasanayang gawin ng isang tao sa araw-araw, damay ang kaibigan don at hindi pwedeng hindi sila kasama. Nakakatuwang isipin at masaya sa pakiramdam kapag maganda ang samahan ng bawat magkakibigan, walang problema, nagkakasundo, tawa-trip, nakikisama... Pero may nakakatakot na bahagi din pala yon. Yon eh sa kabila ng pagkakasundo nyo, may iniisip din palang negatibo ang kaibigan mo tungkol sayo at kapag nalaman mo nga na ganun ang istorya, masakit isipin, nakakapag-pabagabag ng damdamin, lalo na kapag yung taong pinagkakatiwalaan mo eh madidiskubre mong wala palang tiwala sayo. (aw!)
Wala namang kaibigang perpekto eh, pero depende parin siguro yun sa tao. Ang hindi ko lang lubos maisip, sadya ba talagng hindi maiiwasan ang ganung sitwasyon o may mga bagay talaga na hindi tanggap ng kaibigan sa kapwa kaibigan at kailangan nalang mamulat tayo na ganun nga at tanggapin nalang.
Meron biglang pumasok sa isip ko, isa din ba sa mga basehan eh yung kaibigang kayang makipag-"eye to eye contact" sayo habang nag-uusap kayo? haha! Sabi kasi ng ilan, sa mata mababasa ang tunay na pagkatao ng isang tao, parang ang hirap naman kasing magbasa sa mata lalo na kapag walang nakasulat. :)) haha!
Hindi mo rin kasi masasabi dahil may mga tao din na magaling magtago ng totoong pagkatao, mhirap pag ganun. Eniweys, sa mga magkakaibigan din hindi maiiwasan ang tampuhan, pagtatalo at pag-aaway. Tradisyon na yan eh, di mo masasabi na magkaibigan kayo kapag walang tampuhang naganap sa pagitan nyong magkaibigan.
Pero, siguro hindi lang sa pag-ibig nangyayari ang salitang "break even", yung tipong kapag nag-"break" ang mag-dyowa, hindi palaging "even" ang sakit. Kumbaga, yung isa yung pinaka-masasaktan at magtitiis at yung isa naman, parang wala lang. Kadalasan nangyayari din yan sa mga magkakaibigan, yung tipong kahit ikaw yung nagtampo sa kaibigan mo dahil may nagawa syang hindi mo gusto, ikaw parin tong magtitiis at magpapakumbaba para sa ikabubuti ng pagkakaibigan nyo. Ganun talaga siguro ang buhay. Nakaka-badtrip lang dahil hanggang ngayon uso parin ang "plastic" na tao.
Pero kung ano pa man ang basehan, siguro magpasalamat nalang tayo dahil may mga kaibigan tayo na kahit na gaano kagago, kaburaot, kakulit, kadrama, kaepal, kaabnormal... maaasahan natin sa kasiyahan at mamimiss natin sila balang araw. :)

(walang pinaghugutan) :)))

Tuesday, March 29, 2011

OWL CITY! :)


Taon na ang lumipas nung naadik ako sa kanila(sa kanya) at ngayon, baliw na ko sa kanila espesyali kay ADAM YOUNG. Mula "fireflies" hanggang "to the sky" at ngayong may bago nanaman silang album, tagasubaybay parin nila ko. *WITH FEELINGS* Aktwali, yung "ocean eyes" na album lang nila ang naabutan ko, naging interesado ako sa kanila nung una kong marinig ang kantang fireflies, kala ko nga secondhand serenade yung kumanta nun eh. (kaboses kase) natuwa lang ako sa trp nilang sounds, kakaiba pati sa lyrics.
Ang paborito ko sa lahat ng mga kanta nila eh yung "on the wing" natuwa ako sa sounds (electro pop) sa lyrics pati yung meaning kanta, punung-puno ng imahinasyon, wala silang opisyal na bidyo nun eh, pero eto, gusto kong mapakinggan nyo. .



favorite line:
" are you there?
or are you just a decoy dream in my head? am I home, or am I simply tumbling out alone?"

(background music: "brielle" -owl cty)

Ang sarap pakinggan ng mga kanta nila, kahit ulit ulitin hindi nakakasawa, kakaiba talaga yung sound trip nila, kakaiba yung lyrics, bihira ka lang makarinig ng ganung klaseng musika. Aktwali, sila palang ang kilala ko na gumagawa ng ganung klaseng musika.
Sayang nga lang, hindi ko napanuod yung concert nila dito sa Pinas, na pinagsisisihan ko. aw! Eh kasi naman, gipit ako, isang hamak na estudyanteng hindi marunong mag-ipon ng tatlong libo. Estudyanteng wala pang trabaho.. anong ipambibile ko ng tiket? hahaha! Kaya ayun, nagtyaga ako sa mga bidyo na narekord nung concert nila.



Sa totoo lang.. hindi guwapo si Adam Young dyan haha! long hair tas may bigote? ayos! :))
Sa susunod na mag-concert ulit ang OWL CITY dito sa Pinas, aba! hindi ko na palalampasin, baka huli na yun eh, sayang naman. :) Pero sana may trabaho na ko nun para masaya! :)

certified OWL CITY fan! *with feelings* :)


Friday, March 25, 2011

The Script

Ewan ko ah..pero naiinlove ako sa mga kanta nila eh. Matagal ko ng naririnig yung mga musika nila, minsan dedma lang, minsan sinasabayan ko pero nung naadik ako sa pakikinig sa kanta nilang "nothing" naging interesado na ko.
eto yun oh..


Hindi ko pinapansin yung mensahe ng kanta kasi tungkol parin naman sa pagkasawi sa pag-ibig ang gusto iparating nung kanta, pero ang nakaka-adik eh yung boses nung bokalista na si Danny O'Donoghue. Yung boses nya, ang swabe, natural, kapag narinig mo na syang kumanta ang sarap nyang sabayan eh. Sa pagkakaalam ko, sya din yung sumusulat ng mga kanta nila at napansin ko lang ah, isa syang "broken hearted man". :)

eto pa yung mga kinaaadikan ko..


Ito yung kanta na kinanta ng isa sa mga auditionees ng American Idol na si Chris Medina. Yung version nya, astig, may pagka-reggae. Na-kyutan lang ako. :)

Eto kasi yun oh..


Eniweys..Ito pa ang ilan sa mga kanta ng The script..


Ang first single nila..


At ayan.. may concert nga pala dito sa Pilipinas. April 16, 2011 at ayon sa aking pananaliksik..sa Araneta as usual. :) Interesado akong manuod..pero wal pa kong pera. haha!!

Sana namn natuwa kayo sa mga videos. :)

Sunday, March 20, 2011

muling ibalik. :)

Hindi ko alam kung bakit nabuksan ko ulit yung account ng blogsite ko. Hindi ko din alam kung bakit naisipan kong subukang alalahanin yung e-add at password ng account na to. Sa tagal tagal ng panahon na nawala sa ulirat ko ang mga impormasyon para mabuksan ang account na to at itinatak ko na sa isip ko na pabayaan nalang tong blog na to dahil matagal na ding hindi naa-apdeyt, eh nagawa ko paring mabuksan..hindi ko talaga alam. Siguro namiss ko lang talagang mag-blog. Magtype ng kung ano-ano, magkwento ng mga pangyayari sa buhay ko, magpost ng mga nakakatuwang bagay, kahit yung iba walang kwenta. (aminado) Wala naman ding tagasubaybay tong blog na to eh at konti lang ang nakakabasa, kaya kung ano ang maisipang ipost, sige lang, ma-apdeyt lang. haha!
*isip, isip, isip* Wala akong nagawang draft, on-the-spot typing ng kung ano-ano.. pasakalye ng muli kong pagbabalik sa blogger world.
Oh well.. Maligayang pagbabalik saken. Wag nawa ulit akong tamarin, sabagay bakasyon na naman kaya mapagtutuunan ko ng pansin to. :)