Wednesday, March 30, 2011

Tunay o nagtutunay-tunayan?

Ano bang basehan ng isang tunay na kaibigan? Sya ba yung taong nagpapasaya sayo? yung taong madalas kang ilibre? Yung taong napagkakatiwalaan mo? Yung nasasabihan ng mga malulupit na sikreto? Yung tanggap yung katangahan mo? Yung taong kausap mo sa text ara-araw? Yung taong sinasamahan ka sa trip mo? Yung mga taong marunong sakyan ang mga biro mo? Yung taong pwede mong iyakan at labasan ng sama ng loob? Madaming pwedeng tignan at basehan, pero alin sa mga yon ang pwede mong panghawakan?
Napaka-swerte natin siguro kung ang mga nabanggit na katangian ay nasa mga kaibigang nasa paligid natin. Sa totoo lang, ang mga kaibigan na nakilala at nakakasama natin ngayon ay dating mga tinatawag natin na "stranger", wala talaga tayong ideya na makikilala natin sila. Minsan naisip ko, pano kung sa ibang eskwelahan ako nag-enroll? sila padin kaya ang magiging kakulitan, kakwentuhan, kaharutan at kaibigan ko?
Napakasaya magkaroon ng kaibigan, karamay, kausap, katawanan. Ang mga kaibigan natin ang isa sa mga dahilan ng kasiyahan ng isang tao, para maging kumpleto ang araw nya, kumbaga, kung ano ang nakasanayang gawin ng isang tao sa araw-araw, damay ang kaibigan don at hindi pwedeng hindi sila kasama. Nakakatuwang isipin at masaya sa pakiramdam kapag maganda ang samahan ng bawat magkakibigan, walang problema, nagkakasundo, tawa-trip, nakikisama... Pero may nakakatakot na bahagi din pala yon. Yon eh sa kabila ng pagkakasundo nyo, may iniisip din palang negatibo ang kaibigan mo tungkol sayo at kapag nalaman mo nga na ganun ang istorya, masakit isipin, nakakapag-pabagabag ng damdamin, lalo na kapag yung taong pinagkakatiwalaan mo eh madidiskubre mong wala palang tiwala sayo. (aw!)
Wala namang kaibigang perpekto eh, pero depende parin siguro yun sa tao. Ang hindi ko lang lubos maisip, sadya ba talagng hindi maiiwasan ang ganung sitwasyon o may mga bagay talaga na hindi tanggap ng kaibigan sa kapwa kaibigan at kailangan nalang mamulat tayo na ganun nga at tanggapin nalang.
Meron biglang pumasok sa isip ko, isa din ba sa mga basehan eh yung kaibigang kayang makipag-"eye to eye contact" sayo habang nag-uusap kayo? haha! Sabi kasi ng ilan, sa mata mababasa ang tunay na pagkatao ng isang tao, parang ang hirap naman kasing magbasa sa mata lalo na kapag walang nakasulat. :)) haha!
Hindi mo rin kasi masasabi dahil may mga tao din na magaling magtago ng totoong pagkatao, mhirap pag ganun. Eniweys, sa mga magkakaibigan din hindi maiiwasan ang tampuhan, pagtatalo at pag-aaway. Tradisyon na yan eh, di mo masasabi na magkaibigan kayo kapag walang tampuhang naganap sa pagitan nyong magkaibigan.
Pero, siguro hindi lang sa pag-ibig nangyayari ang salitang "break even", yung tipong kapag nag-"break" ang mag-dyowa, hindi palaging "even" ang sakit. Kumbaga, yung isa yung pinaka-masasaktan at magtitiis at yung isa naman, parang wala lang. Kadalasan nangyayari din yan sa mga magkakaibigan, yung tipong kahit ikaw yung nagtampo sa kaibigan mo dahil may nagawa syang hindi mo gusto, ikaw parin tong magtitiis at magpapakumbaba para sa ikabubuti ng pagkakaibigan nyo. Ganun talaga siguro ang buhay. Nakaka-badtrip lang dahil hanggang ngayon uso parin ang "plastic" na tao.
Pero kung ano pa man ang basehan, siguro magpasalamat nalang tayo dahil may mga kaibigan tayo na kahit na gaano kagago, kaburaot, kakulit, kadrama, kaepal, kaabnormal... maaasahan natin sa kasiyahan at mamimiss natin sila balang araw. :)

(walang pinaghugutan) :)))

1 comment:

ellahtot said...

lesson: bawal mag-isip ng masama laban sa kaibigan..
BAD YON! NAKAMAMATAY! :)))))