Friday, February 27, 2009

maluphet na astig!! 29 (trip sa dibisorya...hehe!)

...
kahapon nagtungo kami sa divisoria...
para maghanap at bumili ng lagayan ng kalat!!(basurahan!)
upang ipasa sa aming propesor, kapalit ng oral resiteysyon para sa nalalapit na 'finals'...(ayos!! bawas pasakit..haha!)
anim na grupo kaming naghanap...
pero, hindi namin akalain na aabutin kami ng apat na oras para lang sa bagay na yun!!
dahil anim na grupo kami...kelangan din naming maghanap ng anim na piraso, na pare-pareho ang hugis, laki, bigat at kulay...(berde, luntian, 'green')

sa unang hinto...pasok kagad para maghanap!
nakatagpo kami ng dalawang piraso...lng!!(pero anim ang kelangan namin)
anim na sana, kaso yung iba e magkaiba ang kulay...
kaya, naglibot ulit kami...
siguro naka sampung tindahan kami...o higit pah!!
hanggang sa naabot na namin ang kina-kailangang bilang!

dalawang daang piso ang salaping dala...sa bawat grupo..
ang bagay na nabili namin ay nagkakahalaga ng isang daan at singkwenta pesos lang!
ayos..may kupit kaming singwenta pesos!!(haha!)
siyempre, dalawa lang kaming naghati sa singkwenta pesos na yun!
hindi na namin pinaalam sa mga ka-grupo namin!!hehe!
ayon sa aking pinuno!!
bawat grupo, ganun din ang ginawa...kaya magkakasabwat kami sa krimen na yun!!
(sayo ko lang ipinaalam ang sikretong ito...kaya wag kang maingay!!ok!)

nang natapos na ang pagsasabwatan na yon...nagsiuwian na din kaming lahat!!
at ang kapalit nun sakin...ako ang nagdala pauwi at naglinis ng basurahan na yun!!
kelangan ko din ipasa yun kinabukasan...(sabi ng pinuno ko!)



...
kasalukuyan ngayong araw na to...sa ganap na alas-dos kwarenta ng hapon...
ang dami ng tao dito sa kompyuter shop na toh!!!


hay naku...may nang-gugulo sakin dito ngayon...
mga walang magawa!!
hanggang dito nalang poh ok!!

Wednesday, February 25, 2009

maluphet na astig!! 28 (untitled!)

...
haiszt...
nalalapit na ang finals...
meron pa kong mga rekwayrments na dapat kumpletuhin!!!
GRABE...
ang masasabi ko lang sa nalalapit na pagtatapos ng buong taon sa ika-unang taon ko sa kolehiyo eh...
ANG 'LUPHET'!!
punong-puno at halo-halong pagdadalamhati,
pagtawa,
paghihimagsik,
pagdugo ng utak,
pag dugo ng ilong,
pagsakit ng ulo, tiyan, BRA, BA, LI, BIN, TA, WAN! wahehehe!
(salamat sa alaxan FR!!) haha!

pero siyempre lamang parin ang katatawanan!!!
masaya ako kapag nakakakita ako ng taong napapasaya ko...
at higit sa lahat...e yung halos maiyak na sila sa kakatawa!!!
natutuwa ako dahil kahit papano, madami ang nagtiwala sakin sa klase!!
maraming nagtiwala sa mga sagot ko sa takdang aralin namin...
at nagtiwala sila na kopyahin ang mga sagot ko sa mga eksams!!
madaming nagpautang sakin...kahit na hindi ko gustong pautangin nila ako!!
pero...may ilang kaklse din kong nanakit sakin...
lalo na yung maykel na yun!!!
hindi pa ko natatapos sa kanya!!!
bading siya...isa siyang bading!!
hehehe...pero siya yung unang tao na nakilala at nakausap ko nung unang araw ng klase!!...
(ay...tama nah!!)



kasalukuyan ako ngayong nalulungkot...
idinadaan ko nalang ang paghihinagpis at kalungkutan ko sa pag-aapdeyt ng Blog na toh!!
teka...bigla akong na-ilang ahh!!
naaalala ko yung unang tao na niloko ang utak at puso ko...wahaha!!
pagkatapos kong makita ang prenster niya...
lumabas din ang katotohanan!!
apat na buwan at higit pa...ganun katagal ang mga panahon na niloko niya ko!!
naturingan siyang miyembro ng isang simbahan...pero ganun ang pag-uugali niya!!
isa siyang malaking peste na dumapo sa mga inosente kong mga bulaklak!!(anu daw?)
dibale dibale...mas niloko niya ang sarili niya!!
pero...mas ako parin yung nasaktan ehh...
sira-ulo talaga siya!!
si BRO' na ang bahala sa kanya!!...............AMEN!!
...
san na nga ba ko??!
ayun...
kasalukuyan din akong nagmamaliw sa saliw ng musika ni stephen speaks!!
nag iisip kung anu pa bang pwedeng isulat dito...(haiszt!)
bigla ko tuloy naisip na kailangan ko palang memoryahin ang 'bill of rights'
oral resiteysyon bukas sa una naming asignatura!!
...

ikalawang araw matapos ang nakakabugnot na seminar...
pero may natutunan ako...
nalaman ko na hindi pwedeng masira ang robot hanggat hindi mo nawawasak ang memory chip nia....(anu ba namang klase yun??)
nung seminar ding yun nakakilala ako ng isang humanoid robot!!
si ASIMO...(advance step in innovative mobility)
nakakatuwa naman dahil nakita ko sa kanya ang lolo ko!! wahaha!!
...



Tuesday, February 24, 2009

maluphet na astig!! 27 (haiszt!)...

...
bakit nagkasabay-sabay yung sa kanya??!
bakit pati ako apektado?!
anug gusto niyang gawin ko??
gusto kong my gawin...pero pinipigilan ako!!..adik?!

nakikiramay ako sa kanya...at sa pamilya niya!!

naiintindihan ko kung bakit ganun nalang ang pagdadalamhati niya ...
sa pagpanaw ng tita niya...
sa loob ba naman ng pagsasama na puno ng kaligayahan...madalang ang kalungkutan, kahit na meron silang di pagkakaintindihan...
mahirap sa kanya na tanggapin nalang yun ng ganun kadali!!
naikwento na niya sakin lahat ng pinagsamahan nila ng tita niya...
medyo tumulo ang luha ko...kaya pala!!!
nauunawaan ko kung bakit ganun!!
madami pa siyang gustong ipagpatawad sa tita niya...pero ngayon, parang imposible na dahil dun sa nangyari!!
...
di ko pa nararanasan yung pinagdadaanan niya ngayon...pero naiintindihan ko kung bakit!
sakin lang siya umiyak ng ganon...naramdaman ko talaga yung bigat ng luob niya at yung kalungkutan...
pinipilit kong palakasin ang luob niya...pero nahihirapan siya!!
alam ko naman na di siya papabayaan ni God...

i will be here !! ^^,)



Tomorrow mornin' if you wake up
And the sun does not appear
I...I will be here

If in the dark we lose sight of love
Hold my hand and have no fear
'Cause I...I will be here

I will be here...
When you feel like bein' quiet
When you need to speak your mind
I will listen
And I will be here
When the laughter turns to cryin'
Through the winnin' and losin' and tryin'
We'll be together
'Cause I will be here

Tomorrow mornin' if you wake up
And the future is unclear
I...I'll be here

Just as sure as seasons are made for change
Our lifetimes are made for these years
I...I will be here

I will be here....
You can cry on my shoulder
When the mirror tells us we're older
I will hold you

And I will be here
To watch you grow in beauty
And tell you all the things you are to me
I will be here

I will be true
To the promise I have made
To you and to the
One who gave you to me

I...I will be here

And just as sure as seasons are made for change
Our lifetimes are made for these years
'Cause I...
I will be here....
We'll be together...
..forever...

'Cause I will be here