...
kahapon nagtungo kami sa divisoria...
para maghanap at bumili ng lagayan ng kalat!!(basurahan!)
upang ipasa sa aming propesor, kapalit ng oral resiteysyon para sa nalalapit na 'finals'...(ayos!! bawas pasakit..haha!)
anim na grupo kaming naghanap...
pero, hindi namin akalain na aabutin kami ng apat na oras para lang sa bagay na yun!!
dahil anim na grupo kami...kelangan din naming maghanap ng anim na piraso, na pare-pareho ang hugis, laki, bigat at kulay...(berde, luntian, 'green')
sa unang hinto...pasok kagad para maghanap!
nakatagpo kami ng dalawang piraso...lng!!(pero anim ang kelangan namin)
anim na sana, kaso yung iba e magkaiba ang kulay...
kaya, naglibot ulit kami...
siguro naka sampung tindahan kami...o higit pah!!
hanggang sa naabot na namin ang kina-kailangang bilang!
dalawang daang piso ang salaping dala...sa bawat grupo..
ang bagay na nabili namin ay nagkakahalaga ng isang daan at singkwenta pesos lang!
ayos..may kupit kaming singwenta pesos!!(haha!)
siyempre, dalawa lang kaming naghati sa singkwenta pesos na yun!
hindi na namin pinaalam sa mga ka-grupo namin!!hehe!
ayon sa aking pinuno!!
bawat grupo, ganun din ang ginawa...kaya magkakasabwat kami sa krimen na yun!!
(sayo ko lang ipinaalam ang sikretong ito...kaya wag kang maingay!!ok!)
nang natapos na ang pagsasabwatan na yon...nagsiuwian na din kaming lahat!!
at ang kapalit nun sakin...ako ang nagdala pauwi at naglinis ng basurahan na yun!!
kelangan ko din ipasa yun kinabukasan...(sabi ng pinuno ko!)
...
kasalukuyan ngayong araw na to...sa ganap na alas-dos kwarenta ng hapon...
ang dami ng tao dito sa kompyuter shop na toh!!!
hay naku...may nang-gugulo sakin dito ngayon...
mga walang magawa!!
hanggang dito nalang poh ok!!
No comments:
Post a Comment