...
haiszt...
nalalapit na ang finals...
meron pa kong mga rekwayrments na dapat kumpletuhin!!!
GRABE...
ang masasabi ko lang sa nalalapit na pagtatapos ng buong taon sa ika-unang taon ko sa kolehiyo eh...
ANG 'LUPHET'!!
punong-puno at halo-halong pagdadalamhati,
pagtawa,
paghihimagsik,
pagdugo ng utak,
pag dugo ng ilong,
pagsakit ng ulo, tiyan, BRA, BA, LI, BIN, TA, WAN! wahehehe!
(salamat sa alaxan FR!!) haha!
pero siyempre lamang parin ang katatawanan!!!
masaya ako kapag nakakakita ako ng taong napapasaya ko...
at higit sa lahat...e yung halos maiyak na sila sa kakatawa!!!
natutuwa ako dahil kahit papano, madami ang nagtiwala sakin sa klase!!
maraming nagtiwala sa mga sagot ko sa takdang aralin namin...
at nagtiwala sila na kopyahin ang mga sagot ko sa mga eksams!!
madaming nagpautang sakin...kahit na hindi ko gustong pautangin nila ako!!
pero...may ilang kaklse din kong nanakit sakin...
lalo na yung maykel na yun!!!
hindi pa ko natatapos sa kanya!!!
bading siya...isa siyang bading!!
hehehe...pero siya yung unang tao na nakilala at nakausap ko nung unang araw ng klase!!...
(ay...tama nah!!)
kasalukuyan ako ngayong nalulungkot...
idinadaan ko nalang ang paghihinagpis at kalungkutan ko sa pag-aapdeyt ng Blog na toh!!
teka...bigla akong na-ilang ahh!!
naaalala ko yung unang tao na niloko ang utak at puso ko...wahaha!!
pagkatapos kong makita ang prenster niya...
lumabas din ang katotohanan!!
apat na buwan at higit pa...ganun katagal ang mga panahon na niloko niya ko!!
naturingan siyang miyembro ng isang simbahan...pero ganun ang pag-uugali niya!!
isa siyang malaking peste na dumapo sa mga inosente kong mga bulaklak!!(anu daw?)
dibale dibale...mas niloko niya ang sarili niya!!
pero...mas ako parin yung nasaktan ehh...
sira-ulo talaga siya!!
si BRO' na ang bahala sa kanya!!...............AMEN!!
...
san na nga ba ko??!
ayun...
kasalukuyan din akong nagmamaliw sa saliw ng musika ni stephen speaks!!
nag iisip kung anu pa bang pwedeng isulat dito...(haiszt!)
bigla ko tuloy naisip na kailangan ko palang memoryahin ang 'bill of rights'
oral resiteysyon bukas sa una naming asignatura!!
...
ikalawang araw matapos ang nakakabugnot na seminar...
pero may natutunan ako...
nalaman ko na hindi pwedeng masira ang robot hanggat hindi mo nawawasak ang memory chip nia....(anu ba namang klase yun??)
nung seminar ding yun nakakilala ako ng isang humanoid robot!!
si ASIMO...(advance step in innovative mobility)
nakakatuwa naman dahil nakita ko sa kanya ang lolo ko!! wahaha!!
...
No comments:
Post a Comment