...
well...
unang araw ng pasukan ngayon, pero hindi para saken!!
eh hindi ko nga alam kung kelan ang regular na klase namin!
halata bang hindi ako interesadong mag-aral??
hindi ko pa nga nakukompletong kunin ang mga klaskards ko!!
pero eksayted na ko...pero hindi mag-aral,
kundi makuha ang ang pera ko para sa pasukan!
at kapag nakuha ko yun...isa lang ang una kong bibihin!!
ang bagong libro ni Bob Ong!!
ewan ko ba...pero naaadik ako sa mga libro nya!!
nakompleto ko na lahat ng libro nya...yung bago nalang ang hindi!!
kung anu ano kasing pwersa ang nagtutulak saken para maadik dun...haha!!
kasalukuyan kong inaantay matapos ang linggong to...
baka sakaling makuha ko na yung inaasam kong makuha!!
para matanggal na tong eksaytment na nadarama ko...
at nakapaluob din sa buong linggong to...
ay ang iskedyul ko para magparehistro!!
magparehistro para makabuto sa darating na eleksyon!!
labing pito palang ako...sa ngayon!!
pero labing walo na ko sa agosto...kaya sa tingin ko pwede na kong magparehistro!!
gudlak saken...ü
No comments:
Post a Comment