-"kapag maghihintay ka ng lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo..
dapat lumandi ka din"!
-"pakawalan mo ang bagay na nakakasakit sayo kahit na pinapasaya ka nito.
wag mong hintayin ang araw na sakit nalang ang maramdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo"!
-"hindi porke't madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o katxt ng wantusawa e may gusto sayo at magkakatuluyan kayo.
meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt,malandi,pa-fall o paasa"
-"hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa, kundi ang pagtanggap na sa bilyun-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban para makasama ka"!
-"kahit ikaw ay parang bato na manhid at walang pakiramdam, mag ingat-ingat ka naman.
dahil kahit ganyan ka, hindi nasasaktan, kaya mo namang makasakit"!
-"ang pag-ibig parang imburnal..nakakatakot mahulog...at kapag nahulog ka, it's either by accident or talagang tanga ka"!
-"alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao kapag nagtalikuran na sila?!
kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo"!
-"mahirap pumapel sa buhay ng isang tao. lalo na kung hindi ikaw ang bida sa script na pinili nya"!
-"minsan kahit ikaw ang naka-schedule, kailangan mo paring maghintay kasi hindi ikaw yung priority"!
-"kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa.
kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung hindi mo mahal yung una"!
-"pag hindi mahal ng mahal mo, wag kang magreklamo.
kasi may mga tao din na hindi mo mahal pero mahal ka...kaya quits lang"!
-"pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang"!
-"huwag mong bitiwan ang mga bagay na ayaw mong makita na hawak na iba"
"huwag mong hawakan kung alam mong bibitiwan mo lang"
"at huwag na huwag kang hahawak kapag alam mong may hawak ka"!
-"bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali?!
alam ba nila na kapag natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?"
No comments:
Post a Comment