....
Isang masaya, nakaka-enjoy at masakit sa ngala-ngalang party!!! wooohhh!!!
Eksayted pa nung una...kaso, pagdating sa labas ng lugar kung san gaganapin ang kasiyahan, walanjo...medyo nagkagulo ng konti, konti lang! At pumila pa kami ng malupet.
Kala ko masusulit yung pagpila namin ng matagal, kaso Kaboring-boring ang mga inisyal na mga pangyayari. Bakit ba may mga bandang boring pakinggan...(bakit yun ang "opening number") hehe! Buti nalang may mga katabi akong makukulit. Atlis naaliw ako...
Naging kasulit-sulit ang kasiyahan na yun nung magsimula na ang Mr. and Ms. C.S., merong limang lalake at limang babaeng kalahok. Kasali ang dalawang student teachers namin!
Grabe, dalawa lng naman ang tinitilian ko sa mga kalahok eh...syempre yun yung mga student teachers namin! Ewan ko ba kung bakit medyo nawala ang boses ko..haha! At mas naging mainit ang gabing yun, ng lumabas ang mga contestants ng naka "swim wear"!! wooohh...
Nakakatuwa silang tignan!! "so hot"...
Mas naaliw ako sa "piso per message" nilang achuchuever! haha!
Kung san magsususlat ka ng mensahe na nais mung mabasa ng lahat gamit ang isang super projector! (na parang big screen) nakz! at syempre, may bayad ng piso!
Nakakatuwa kahit na nabawasan ng apat na piso ang pitaka ko...asus! atlis naparating ko sa crush ko na gusto kong hingin yung numero nya. Kaso ang nakakalungkot dun...hindi pala umatend yung crush ko sa kasiyahang yun! lungkot diba? :(
At todo rampa sa "sobrang cheezy" clan...na naumay na lahat ng nagbabasa dahil sa dalawang salita na yun, na paulit ulit lumabas sa screen! ahahah...( clan namin yun!)
At ang pinaka nakakapagod sa lahat ng pinaka nakakapagod...ay ang disco, na di mawawala sa isang party! Astig!
Gusto ko nang umuwi nung mga panahon na yun kasi pinapa-uwi na ko ng nanay ko...dahil masyado ng late. Kaso, sayang kung palalampasin ko yung pagkakataon na yun! (pagkakataon??) ahaha!
Anlulupet nilang magwala sa dance floor! di ko sila keri...padamihan ng pwedeng i-showdown! oha...
At ang dance craze ng gabing yun...ay ang "nobody" ng wonder girls! PANALO!
Bakit ba hindi ko alam ang dance step ng dance craze na yun?? haha...
No comments:
Post a Comment