Wednesday, August 19, 2009

astig na maluphet 49!! [PUYAT 101!]

...
Pagkatapos ng isang masayang kasiyahan....
Alas tres ng madaling araw na ko naka-uwi ng bahay. Naalala ko, may pasok pala ko ng kinaumagahan ding yun ng alas nueve! Ay adik...sa sobrang puyat ko, alas nueve medya na ko nagising, at alas onse na ko nakarating sa eskwelahan! haaay...sino ba naman kasi ang gustong pumasok ng linggo?? bakit kasi pinirmahan ng nanay ko yung xerox copy na nagsasaad na may special class ng linggo na may pirma ng propesor ko!
Ayun pumasok tuloy ako ng wala sa oras, kahit na may bakas ng antok ang aking katawan at pag-iisip! Nasita pa ko ng makulit kong propesor...na super kalog!
Kahit inaantok ka at alam mo sa sarili mo na gusto mung matulog dahil puyat ka, ay naku! wala ka ng magagawa dahil makulit yung propesor na nagle-lecture sayo! saka, sino ba namang matinong estudyante ang matutulog sa gitna ng nagpapaliwanag na guro???
Pero ang nakakatuwa at nakakatawa dun, hindi ka na makakahanap ng propesor na katulad ng propesor na meron ang set namin!
Una sa lahat, ang kikay niya! (note: lesbiana sya!) di sya nahuhuli sa mga in na fashion ngayon!
Pangalawa, super makuwento...pero kapag nagkwento sya, matatawa at matatawa ka! dahil ang motibo nya ay ang mapasaya at mapatawa ka!
Pangatlo, mahilig mag bigay ng advice, kahot sino ka pa, tututlungan ka niya.
pang-apat, mawawala ang puyat na nararamdaman mo kapag nagsimula na syang magpatawa! Nag-iisa syang guro para saken na ganun ng pagkatao!!
Puro kami tawa kapag sya na ang nagtuturo samin.
Hindi nga natapus yung buong lecture namin dahil puro sya kwento! Kaya ngayon, todo intindi kami sa proyektong ginagawa namin.

Na-realize ko na, mahirap palang mag-aral kapag minamadali ka sa panahon!
Yung tipong, malayo pa ang finals pero dapat pagkatapos ng isang linggo dapat bakasyon ka na!
Buong libro yung dapat tapusin, isang linggo ang palugit dapat tapus nah!! eh nasa page 21 pa lang ako..out of 210 pages!
matatapus ko kaya yun??

Ilang araw pa ko kailanagng mag-whole day para lang matapus yung proyektong yun!

woohh...sa ngayon, nahihirapan ako!

No comments: