Tuesday, October 20, 2009

54 [ SEMBreak!! Love it...NOT! ]

Aba! matagal-tagal den akong di nakapag-update ng talaan ko. Subsob ba naman sa pagka-abala eh. Pero biruin mo yun, nagagawa ko pang makapag-facebook ng tatlong oras!! hehe!
Ayun, simula na ng Sem break namen ngayong linggo. Alam nyo ba na narealize ko na, pagdating sa pag-aaral, kung naawa ka na sa mga parents mo dahil sa pagsasakripisyo nila sa pagbabayad ng mga tuition fees mo sa buong sem at sa buong taon, dapat pala na itago natin yung mga resibo at permit nung prelim, midterm at finals na binayaran ng parents mo. Para diba, worth it naman yung binayad nila kasi tinago mo yung mga bagay na kapalit ng binayad mo. oha!
Na-realize ko den na nakakalokang maging "one day millionaire", yung tipong kapag nagkapera eh wala pang isang araw ang natatapos ,ubos na yung laman ng pitaka mo...kasi magsasakripisyo ka talaga pagdating ng susunod na araw. Tapos, mag-eemote kasi nakakaboring dahil walang kwarta, tapos biglang mamimiss ang eskwela sa kakaibang paraan. Ay naku!

Habang tumatagal naman hindi pa ko masyadong nabubugnot, may pera pa kasi ako eh. haha!
Pero ayun, dating gawe parin para sakin...tambay sa kwarto, mag face to face ng computer, makipag-text, alam mo yun? Para lumipas lang ang oras? Kasi sa totoo lang talaga, nakaka-miss din ang mag-aral (infairness ü) at ngayon taon ko lang narealize ang mga salitang "hassel", "hagard", "nose bleed", "brain bleed" at kung anu-ano pa...walanjo! Magkaroon ka nga lang ng "NR" sa class card mo nakakaloka na. Kasi madami ka pang pagdadaanan bago mapalitan ng numero yung mga letrang "NR" na yun! Pero awa ng Diyos, di ko pa nararanasan ang "NR", pero "NE" (no exam) meron na! ay naku! Okay lang naman kasi may nakaalalay na "completion exam" eh! wahehe!

Bago naman magsimula ang pagtatapos ng sem, kahit papano naman may mga achievements naman ako na pwede at di pwedeng ipagmalaki. ("?")
bakit ba? Hayaan nalang naten yung mga achiever ang gumanap ng papel nila sa buhay! Di na dapat ako makisali. Di lang namn ang talino ang pinaglalabanan sa buhay, dapat masipag ka den. Ayos na yung pagiging masipag sa pag-aaral, atlis may pinanghahawakan ka! (oyeah!) haha!
Ayan, nahiya na kong sabihin yung mga achievements ko...di bale na nga lang! nyaha!

No comments: