Sunday, September 20, 2009

53: [I QUIZ, I QUIT, I QUIZ !!]

Naku naman..magandang balita para saken!
Kina-umagahan pagkatapos kong i-update ang last post ko, actually kina-tanghalian na yun eh. haha! yung tungkol dun sa Excel kong nawawala.
Ako at isa ko pang kamag-aral ang naatasan na makilahok at maging representative ng aming set sa isang "quiz bee" competition.
Tumanggi ako nung una...
Kaso, may naganap na pangba-blockmail. haha!
Tama ba namang i-offer saken ang project kong excel na nawawala?
Kapag sumali daw ako sa quiz bee na yon, hindi ko na kelangan pang ulitin yung project ko at automatic "plus A" na ko!
Oha! eh sino ba namang may sayad ang tatanggi sa offer na yun?
Aba! may sayad ako, pero di ko tatanggihan yon...nyahahaha!!
Ang utak ni mam Cathy, magandang balita nga para saken...pero may matinding kapalit naman.
Na-obliga pa tuloy ako na balikan ang mga nakaraang mga leksyon sa bawat asignatura!
Ang tindi!
Pero sa kabilang banda, natuwa naman ako sa naganap na pagpupulong nung araw din na yon!
Nagsama-sama ang bawat kalahok...kahit pano, nakita ko yung mga makaka-tunggali ko.
Haha...pansin ko, parang may laban ako kahit pano!
Kahit walang pera na involve, may masigabong palakpakan naman sa tatanghaling panalo...pede ng pag tyagaan.

Naalala ko pa yung unang sali ko sa "english quiz bee"..hayskul pa ko nun!
Nanalo ako, kaso 1st palce lng...ayun, nagka-troma ako! nyahaha...
Kasi, wala palang plus grade yun!! haha..kaka-disappoint!

Hay, gudlak nalang sa utak ko! Sigurado ako kaya nya yun..
malaki na utak ko eh..wahaha!!


LESSON LEARNED:
" wag na tumambay sa corridor sa labas ng classroom "
(para iwas turo!)
nyahah...

No comments: