Tuesday, April 5, 2011

summer class...

Bilang isang normal na estudyante ng college, normal din naman siguro ang magkaroon ng "summer class". Isa lang naman kasi ako sa mga estudyanteng nagtitiis na walang bakasyon, gumigising ng maaga, nag-aantay ng propesor, tumatambay sa koridor, nakatunganga, antay ng susunod na sabdyek, tambay sa labas ng geyt, nakikipagkulitan sa mga kaklaseng nagsa-summer class din. Ngayong bakasyon, ganyan lang ang takbo ng buhay ko sa eskwela araw araw, napakaswerte ko pa din dahil kahit papano hindi ako nabuburyo sa bahay kakakaen, kakanuod at kakatulog. May oras na nagsisisi ako dahil kailangan kong magsummer sa eskwela, hindi ko tuloy maasikaso yung OJT ko, pero dahil mababait ang mga propesor namin, binibigyan kami ng mgandang iskedyul at dahil don, I'm not hopeless anymore!:)
kung noon, nade-depres ako kaka-isip ng kung pano ako makakapag-ojt habang
nag-aaral, hindi na ngayon. Sa isang linggo, dalawang araw ang ang pasok ko, may bakante akong tatlong araw sa wikdeys, siguro oras yon para makapag-ojt na ko.
(nablangko...brgrgeyrrr...gutom) ...okey, go!

Sa tatlong sabdyek na binabalikan ko, hindi ko naman inisip na ganung ako katamad mag-aral, siguro may rason para dito (pampalubag loob) , para pagsisihan ko yung mga bagay na hindi ko nagawa noon tulad ng pagiging tamad ko magbasa ng mga announcements sa bulletin board, late magpasa ng requirements at tamad magdala ng requirements. Natutuwa nga ako eh, kaht
papano na-ikpiryens ko ang sumer class, hindi naman ako nabuburyo sa eskwela dahil madami akong kausap, kakwentuhan at katawanan. Mas okey na yun, kesa naman ipagwalang bahala ko ulit ang mga sabdyek na pinabayaan ko na noon.
Sa ngayon, gusto ko lang ng positive energy para makaraos ako dito sa pinasukan ko tutal hindi lanag naman ako nag-iisa eh, at matatapos ko to ng maayos. :)


okeeeyy... istap et!
matulog kana! :)



No comments: