Tuesday, May 31, 2011

breathing again..

Crawling in my skin.. these wounds, they will not heal. Fear is how I fall... confusing what is real. \m/

ruma-rak en roL!

banat!

Natapos din ang lahat. Balik na ko sa dating maghapong tambay sa bahay. Yeeeees!! Tapos na ang OJT ko. Praise God! :)
Bukas ang simula ng tradisyong namiss ko, for real! kahit sa simula lang nakakaeksayt tumambay maghapon sa bahay, ayos lang. ang importante, PAHINGA! haaay! :D
at wala na kong masabe pa tungkol dito. :)

Mahigit dalawang buwan nalang, kaarawan ko nanaman. Nakakinis mang sabihin pero bente anyos na ko. aw! Gusto kong pigilan ang panahon ngunit hindi naman pwede. Wala eh, naninirahan ako sa mundong umiikot ng bente kwatro oras, pitong beses sa isang linggo.
Dahil malapit na ang kaarawan ko, ngayon palang alam ko na kung ano ang gusto kong birthday wish...
Ang magkaroon at tumugtog ng gitara. Noon pa man gusto ko ng magpatugtog, kaso napipigilan ako ng kadahilanang wala akong sariling gitara. Mahirap naman kasing mag-aral mag-isa ng walang sariling gamit o mahihiraman man lang. dibuh?

oh ayan, kung sino man ang makabasa neto.. alam nyo na kung ano ireregalo nyo saken. muahahaha! :))))))) lulz! biro lang.

Teka, malipat ako dito.
Napanuod nyo naba yung Crazy Little Thing Called Love?
eto oh..


Yan...
Ewan ko ah, pero sobrang ang kyut ng istorya.
Nakakatuwa, nakakakilig, nakakaaning, nakakabitin.
Natuwa ako kay Nam at Shone, lalo na dun sa teacher nila. haha!
eh basta, panoorin nyo nalang. eto yung trailer oh....

sana maintindihan nyo!
SANA!!!!




“I am the bitch with a heart of gold."

Friday, May 20, 2011

summer random.

Huwell...
Yun padin naman ang kwento, nagpapatuloy lang ang struggle, lumalaban, pumapalag, naglalakas loob at nananalangin. Pero konting konti nalang, malapit na kong pumetiks. Malalanghap ko na ang tunay na pahinga. Ang tagumpay sa kabila ng abalang buhay. Tapos na ko sa mga pagsusumamo ko sa mga asignaturang binigyan ko ng importansya ngayong summer, ngayon naman eh tututukan ko ng konsentrasyon ang OJT. (charot) :)

a. Hay, wala akong masabe..ay meron pala. Ngayong tapos ang summer classes ko, mabuhay na sana ko ng maaliwalas, wala sanang pressure, wala sanang kade-depressan, wala sanang maging problema. (tungkol sa OJT)
So far naman mabait parin ang pagkakataon saken, mababait ang tao sa paligid, laging nakangiti, pandagdag ng pwersang masaya.

b. Tapos na ang Finals / Departmental exam na galing mismo sa office of the president ang lahat ng topic ng exam. Nainis lang ako ng bahagya dahil yung binigay na topic ng office eh walang wala sa kung ano yung topic na tinuro samin, edi wala akong naisagot sa test paper, buti nalang may multiple choice edi nakapanghula ko ng sagot kahit papano. Pero nawala din yung inis ko matapos kong iwanan ng "notes" yung test paper. Sana naman umubra lahat ng sinulat ko ng maawa sila kahit papano. badtrip lang eh, halos lahat ng subject na kinuha ko ganon, panigurado bagsak ako. nakakapanghinayang yung mga pinaghirapan ko.

c. Hindi ko na alam kung ilang araw ang ginugol ko sa pag-aaral ngayong summer, basta nakaraos na ko, ok na saken. Sa ngayon, ayoko munang isipin kung ano ang magiging grado ko ngayong nagtapos na ang final exam sa tatlo kong subject na sinammer. (na alam ko naman na dapat akong mag-alala) Eh basta! gusto ko lang magrelax, mag-enjoy sa OJT, ngitian ang ibang tao at magpasalamat sa walang sawang positive energy.

d. Etong summer na to ang maituturing kong pinaka-abalang summer sa buhay ko. Panibagong ekspiryens na den kahit papano. Summer kung saan pinagsabay ang summer classes at OJT, araw araw gumigising ng alas-singko ng umaga para maghanda ng babaunin, at mag-isip ng mga bagay bagay para lang mapabilis ang oras. Bumabyahe mula commonwealth hanggang morayta, umaakyat ng overpass, naglalakad hanggang MV Delos Santos, tuwing martes at huwebes. Sumasakay naman ng "cubao, kamuning, arayat", bumababa ng v-luna, naglalakad ng konti papuntang LRA tapos liko sa kanan papuntang central office ng PAO , tuwing M-W-F. Yan ang epikong pakikipagsapalaran ng buhay ko mula lunes hanggang biyernes. Hindi gaya ng dating summer na nasa bahay lang at nabubugnot, nagaantay ng may magaaya ng gala, at pumunta kung saan para magbakasyon.

Ngayon palang alam ko na ang dapat kong matutunan bago pa man matapos lahat ng pinagkakaabalahan ko. Saglitang pag-aantay nalang, makakapagpuyat na ulit ako! haha! :D

kung mabasa mo man to... ibig sabihin, natapos mo!
galing! :D



Sunday, May 1, 2011

hardcore meyn!

oooh!
Ang reyalidad nga naman ng buhay ay iba sa mga academic subjects sa eskwela. Hindi ito simpleng paggawa ng limang talata na essay, pag-calculate ng mga solving problems o pag-eeksperimento ng mga living o non-living things. Pero sakop ang mga ito ng reyalidad at pwede silang gamitin para ilahad ang mga saloobin, bilang mas malalim na pagpapaliwanag sa reyalidad ng buhay na kinakaharap mo.
nakuha mo ba? hindi? ayos lang yan... pumapasakalye lang ako! :)


Spotlight - Jenifer Hudson Mp3


wirdo: Eto yun eh, nitong mga nakaraang araw, may kung anong pwersa ng kawirduhan ang pumapasok sa isip ko, yung tipong nakakapraning tungkol sa buhay, kamatayan, ikalawang buhay, at buhay na walang hanggan. Tapos sinasabayan pa ng takot at problema, takot at problemang hindi ko maaaring ilahad sa tekstong ito.
Kahit sabihing madami akong ginagawa o puro kakwelahan ang nasa paligid ko, hindi ko mapigilang huminto, mag-isip at matulala.
ah basta...wala eh, wala akong masyadong masabi ukol dito. wirdo eh.

hmmm...

forever?: hmm.. Hindi ko dapat iba-blog to eh, kasalanan nung mga taong nakabasa na at tumutol sa naisulat ko sa isang papel.
Naniniwala ba kayong walang pagkakaibigan na tumatagal habang buhay? Ang mga magkakaibigan sa eskwela ay hanggang sa eskwela lang?
Hindi ko naman sinabi na totoo yan, pero pumasok lang sa isip ko na kapag nagsipag-graduate na ang mga nagturingan na magkakaibigan, magkakalimutan na ng unti-unti, yung tipong abala na ang lahat sa paghahanap ng trabaho, tapos kapag nagkatrabaho na, abala na sa pagtatrabaho, tapos abala na din sa mga bagong kaibigan o officemates, oh diba...
Ang tanging komunikasyon nalang nila ay ang a.k.a. "FB".
haay.. Pero depende nga kasi sa sitwasyon, kung napagdesisyunan nyo na tumambay habang buhay edi hindi totoo yung sinasabi ko. :) hehe!

OJT: Naka-limang araw na ko so nakaka-40 hours na den. :)
Habang tumatagal madami akong natututunan, madaming nakikilala at nakakakulitan. Meron na kong kabatuhan ng jokes. Pero may oras na kapag may binitawan akong joke eh hindi nila nagegets... dyahe at ang hirap nun. haha!!
Nagpapasalamat ako dahil hindi ako nawawalan ng positive energy, at nakakayanan ko ang anumang hamon ng OJT. :)

summer class: Kakatapos lang ng midterm exam, at simula na ng finals... ika nga ng mga professors ko, konting tiis nalang, makakapag-pahinga na kami pare-pareho. Hindi pa naman ako nahihirapan sa ngayon, pero konti nalang iiyak na ko! hahah! :D

ano nga ba yon?: Ganun ba talaga kapag sobrang dami ng iniisip? madaming ideya ang pumapasok sa isip, sa sobrang dami ng ideyang yon, akala mo maiimbak mong lahat sa isip mo, pero kalaunan kapag kelangan mo ng gamitin yung mga ideyang naisip mo, bigla bigla naman mawawala sa isip mo...
yung tipong nakakaasar dahil kung kelan kelangan mo yung ideyang yon saka mo naman makakalimutan. Minsan maiinis ka nalang kakaisip dun sa naisip mo na nakalimutan mo na.. hardcore! Sabay sabay pumasok sa isip mo, sabay sabay ding nawala. ow men!

last na to: Naniniwala ba kayong nakaka-bugnot magbasa ng blog? Ako, OO! haha! Pero okey lang kasi biruin mo, umabot ka hanggang dito, at natapos mo ang entry ko. oh diba! Dapat kang palakpakan kaibigan! Isa kang matiyagang mambabasa! At natutuwa ako sayo. haha! aylabyuu! :)
Dahil don, apir tayo! 0/\o

oh sya..
next entry ulet ha! :)

"
Ang sarap tumawa lalo na kung malaman mo sayong sarili na may isasaya ka pa!" :)