
Ako, hindi eh...pero yung Video clips na galing sa youtube tungkol kila Kanye West, Taylor Swift at Beyonce, Taylor Swift!
Ibang klase si Kanye, biruin nyong inagawan nya ng eksena si Taylor Swift? Hindi na tuloy natapos ni Taylor yung pasasalamat nya! ay susmaryosep si Kanye...Nagkalat ng kawalan ngrespeto! haha!!
Pero Ibang klase din tong si Beyonce, na nadamay sa pagkakalat ni Kanye. Pagkatapos manalong best Video ni Beyonce, ibinigay nya ang moment kay Taylor na naputol ang moment dahil kay Kanye. haha!
Si Beyonce na may upcoming single na pinamagatang..."Broken Hearted Girl" (gaya ng nakikita nyo!)

And Speaking of Broken hearted Girl...
There is one thing that is seriously brokes my heart.
And that is my major subject. I just can't imagine that my ultimate project in CS5 was gone for an unknown reason, after all of my hardwork. damn!
teka-teka, lets pause for that english language! pa-ingles ingles pa kasi eh.( haay! dahil sa frustration!)
Grabe, pagkatapos ng pitong araw at hapong paghihirap, paghihintay, pagsasakripisyo, pagpawis ng kamay (pasmado!), pagkalito, nawala nalang ng basta basta ang excel na ginawa ko!
Walanya! Bakit ko pa kasi sinumpa ang excel? Di ko inaasahang kakailanganin ko ulit magsimula sa umpisa. Pano yon? malapit na mag sembreak? nawawalan na ko ng panahon at tiwala sa sarili ko!
Sa ngayon, wala na talaga akong magagawa kundi ang umulet!
Di ko alam kung mambibintang ba ko ng Iba, eh ayoko namang sisihin ang sarili ko, alam ko naman kasi sa sarili ko na tama yung na-save kong files.
Ganito kasi yun eh...
dalawang tao kami na gumagamit sa isang computer, para tapusin ang isang buong librong excel. Hati kami sa oras, nag-uusap kami kung sino ang mauuna at sino ang mahuhuli sa paggamit ng computer.
Nung last day na ng paggawa ng project, yung ka-grupo ko ang huling gumamit ng computer.
At bago ako lumabas ng computer room kung saan namin ginagawa ang proyektong yun, sinigurado ko pa na yung files na tinapos ko eh na-save ko ng maayos at nasa tamang dapat paglagyan na folder!
Hindi ko talaga alam kung bakit nagka-ganon ang mga pangyayari.
Kung bakit files ko lang ang nawala?
At kung bakit hindi nawala yung files ng ka-grupo ko?
Sinabutahe ba ko?
may galit ba saken yung ka-grupo ko?
teka, pinagbibintangan ko na ba yung ka-grupo ko?
haay...
Na "DELETE"....nino?
badtrip!
No comments:
Post a Comment