Monday, September 7, 2009

astig na maluphet!! 51 [higher class!]

...
Pag katapos ng kapagod-pagod na proyekto sa CS5, sa kaliwa't kanang review, memorize at summarize ng mga aralin at sa katakot-takot na midterm exams sa bawat asignatura....
Sa ngayon, nakakahinga na ko ng maluwag! (ha?) "pansamantala", kasi magsisismula ulet kami sa panibagong pahirap!
Ay sus! ganon na ba kahirap mag-aral ngayon? haha! ang adik ko no?
Pero kapag minamadali talaga sa panahon...OO e!

-Ang sabon ba kapag nadumihan, kailangan pa itong sabunin den para luminis?

-Hindi ba pwede sa "Lunchbox" ang breakfast at dinner?


-Kapag sinabunan ba ang ipis, lilinis ito? o yung sabon ang madudumihan?


Yan ang mga tanong na pwede isama sa ilan sa mga episodes ng "spongebob squarepants" haha!

yung tipong si spongebob ang magtatanong, tapus si patrik yung sasagot.
Syempre yung tagalog versions! Haha! may rayoot!


Teka! Pero wala yang kinalaman dito...
Kwento ko lang ha!
Kahapon kasi Holiday! Syempre walang pasok. Pero kinailangan kong pumunta ng eskwelahan!
Naniniwala ba kayong may exam pag Holiday?? Ako hindi! Pero special exam, pwede pa! haha!
Hindi kasi ako nakapag-eksam sa P.E (wow P.E!) nung panahon na naka-iskedyul yon. Sa kadahilanang kulang ako sa requirement. KAya naman humabol ako kahapon.
Eto na yun ah...
Walanya! nakapag eksam nga ako...Pero tatlong essay lang ang nagawa ko.
e kasi naman, wala pang labing limang minuto pinahinto na kami. eh adik!
Aalis daw yung Prof. namin. Sa tingin nyo makatarungan ba yun?
Anu nalang magiging iskor ko?
Karumal-dumal!
ayun....
para sa mga estudyanteng wala ng maisagot sa exam paper, Ok lng sa kanila yon.
Panu naman ako?? haha!!

No comments: