Happy new year sa lahat...at happy "new deacade" üGrabe, napakasya ng bagong taon ko ngayon...hindi ko lang alam kung bakit, pero napaka-saya talaga... Ako pa yung nagmistulang pasimuno ng pag-iingay sa lugar namin para masalubong ang bagong taon. Haha, halos mamaga na yung kamay ko dahil sa paghampas sa yero, para pampa-ingay..kasi, mas maingay, mas masaya!! ü Ibang klase, kasi itong taon na to ang pinaka-masayang ekspiryens. Hay, kaka-iba talaga...sana kayo din, naging masaya sa pagsalubong ng bagong taon.Sana walang na disgrasya o naaksidente...(parang pareho lang ata yun)Kasaukuyan ako ngayon nag-aapdeyt habang nakikinig sa saliw ng musika ng "owl city" na paborito ko na ngayon! ay sus!, napakaganda ng kanilang mga musika! pangako! nakaka-relaks at maganda sa pandinig...basta pakinggan nyo!ayun...mapayapang bagong taon sa inyong lahat!!! ü
Maligayang Pasko sa inyong lahat!Nawa'y mapasainyo ang kaligayahan ngayong pasko! Sana ay di kayo taguan ng mga ninong at ninang ninyo...haha!! üBE BLESS!BE SAFE!BE GOOD!!MERRY CHRISTMAS!!!
... Natapos na den ang isang buong linggong pag-rerebyu, at pagsusulit. Ngayon,oras na para magpahinga ang utak ko at kalimutan muna ang kahit anong bagay tungkol sa eskwela, nakakapagod din mag-aral, kung kelan malapit na ang pagsusulit eh saka ka naman minamadali ng mga propesor pagdating sa mga proyekto at kung anu-ano pang bayarin! AY PISTE!Kahapon ang huling araw ng taon na nasilayan ko ang mga kamag-aral ko, at kahit huling araw na yun na magkakasama kami, this year, ee sobrang nag-enjoy kaming lahat. Sinulit na namin ang pagkakataon na mag-kakasama kaming lahat.Kahapon ay may naganap na Bingo-han sa eskwelahan at grabe, sigawan talaga ang mga pangyayari kahapon, at lahat kaming mga hindi pinalad manalo kahit limandaan lang ee nakadama ng bonggang bonggang panghihinayang. haha! Nakakapanghinayang naman talaga ang sapung libong piso ee!eniweys...Dapat may pupuntahan akong debut ngayon...inimbitahan ako ng debutante at isa ako sa mga "18 candles", kaso hindi ako pumunta! haha..ang sama ko bang kaibigan at di ko pinuntahan yung debut na yun? ee kasi naman ee, alam naman nyang hindi uso saken ang "dress" wenk!Bukas naman, magaganap ang Lucena trip kasama ang mga pinsan at kapatid ko. Dun namin balak mag pasko, at syempre eksayted na ko!! haha...Grabe, sana magkapera ako dun, nyahaha...Happy trip saken!! üat Merry Christmas sa lahat....
...Isang panibago at nakakalokang linggo sa huling buwan ng taon, at huling linggo na din ng aming klase, dahil nalalapit na ang "christmas vacation" at ang 'prelims'. Medyo nawala ako sa pagkatao ko nitong mga nakaraang linggo, ay ambot!, pakiramdam ng utak ko, hindi sya nabusog sa mga aralin na ipinatikim ko sa kanya. haha! Pero nakaksagot naman ako sa mga long quizzes, ang hirap lang talaga, may mga popesor na nakaka-urat magturo. (you kno! ü)Bukas na pala ang simula ng unang matinding pagsusulit ngayong sem, medyo natutuwa naman ako sa sarili ko dahil kumpleto na ko sa mga kailangan para makakuha ng pagsusulit. Ang munti kong hiling ee sana, makasagot ako ng maayos sa test paper! yun yon ee! haha...Grabe, wala na kong maisip!!! x-l
Siyam na araw nang nakalilipas mula nung maganap ang karumal duma na "Maguindanao Massacre". Mula nung araw na yon hanggang ngayon, araw-araw at gabi-gabing headlines tungkol doon ang ibinabalita sa radyo, telebisyon, dyaryo at maging sa ibang bansa. Bilang estudyante at bilang isang babae, para saken, isang napakalaking kabrutalan ang naganap. Bakit kailangan pang ilibing at bakit kailangan pang patayin??Isa lang ang ninanais ngayon ng lahat ng apektado sa pangyayaring iyon...Ang makamit ang agarang hustisya sa lahat ng nabiktima at isang matinding kapausahan sa lahat ng nag-plano at lahat ng nasa likod ng krimen na iyon!...at sa ibang balita, dumako naman tayo sa kwentong kutsero! ...wenk! x-lNitong nagdaang dalawang linggo, aaminin ko na, medyo nakakatamad ng konti ang makinig, magsulat, magbasa sa loob ng silid-aralan. Pero hindi ko naman sinasanay ang sarili kong tamarin! May mga panahon kasing pumipikit ang mga mata ko at humihikab habang may nagsasalitang propesor sa harap. Kapag dumadating na ang pisteng pagkakataon na yon, eh hindi ko na alam kung pano ako makakatakas ng tulog at kung papano ako pasimpleng pipikit. haha! Nakakalungkot kasing isipin na nakaka-urat ng makinig sa loob ng dalawang oras kasi habang tumatagal nakakantok talaga, at dahil dun, nababawasan ang pumapasok sa utak ko!! Pero dibale, magaling naman mag-lecture yung professor namin, may problema nga lang talaga. Dami pa ko kwento ee...tinatamad na ko!!! haha...