Thursday, December 31, 2009

HAPPY NEW YEAR....!!! 01-01-10


Happy new year sa lahat...at happy "new deacade" ü
Grabe, napakasya ng bagong taon ko ngayon...hindi ko lang alam kung bakit, pero napaka-saya talaga...
Ako pa yung nagmistulang pasimuno ng pag-iingay sa lugar namin para masalubong ang bagong taon. Haha, halos mamaga na yung kamay ko dahil sa paghampas sa yero, para pampa-ingay..kasi, mas maingay, mas masaya!! ü Ibang klase, kasi itong taon na to ang pinaka-masayang ekspiryens.
Hay, kaka-iba talaga...sana kayo din, naging masaya sa pagsalubong ng bagong taon.
Sana walang na disgrasya o naaksidente...(parang pareho lang ata yun)
Kasaukuyan ako ngayon nag-aapdeyt habang nakikinig sa saliw ng musika ng "owl city" na paborito ko na ngayon! ay sus!, napakaganda ng kanilang mga musika! pangako! nakaka-relaks at maganda sa pandinig...basta pakinggan nyo!

ayun...mapayapang bagong taon sa inyong lahat!!!
ü

No comments: