Sunday, December 20, 2009

59: [bakasyunan!] ü

...
Natapos na den ang isang buong linggong pag-rerebyu, at pagsusulit. Ngayon,oras na para magpahinga ang utak ko at kalimutan muna ang kahit anong bagay tungkol sa eskwela, nakakapagod din mag-aral, kung kelan malapit na ang pagsusulit eh saka ka naman minamadali ng mga propesor pagdating sa mga proyekto at kung anu-ano pang bayarin! AY PISTE!
Kahapon ang huling araw ng taon na nasilayan ko ang mga kamag-aral ko, at kahit huling araw na yun na magkakasama kami, this year, ee sobrang nag-enjoy kaming lahat. Sinulit na namin ang pagkakataon na mag-kakasama kaming lahat.
Kahapon ay may naganap na Bingo-han sa eskwelahan at grabe, sigawan talaga ang mga pangyayari kahapon, at lahat kaming mga hindi pinalad manalo kahit limandaan lang ee nakadama ng bonggang bonggang panghihinayang. haha! Nakakapanghinayang naman talaga ang sapung libong piso ee!

eniweys...

Dapat may pupuntahan akong debut ngayon...inimbitahan ako ng debutante at isa ako sa mga "18 candles", kaso hindi ako pumunta! haha..ang sama ko bang kaibigan at di ko pinuntahan yung debut na yun? ee kasi naman ee, alam naman nyang hindi uso saken ang "dress" wenk!

Bukas naman, magaganap ang Lucena trip kasama ang mga pinsan at kapatid ko. Dun namin balak mag pasko, at syempre eksayted na ko!! haha...
Grabe, sana magkapera ako dun, nyahaha...

Happy trip saken!! ü
at Merry Christmas sa lahat....

No comments: