Tuesday, December 1, 2009

57: [ masaker!]





Siyam na araw nang nakalilipas mula nung maganap ang karumal duma na "Maguindanao Massacre". Mula nung araw na yon hanggang ngayon, araw-araw at gabi-gabing headlines tungkol doon ang ibinabalita sa radyo, telebisyon, dyaryo at maging sa ibang bansa. Bilang estudyante at bilang isang babae, para saken, isang napakalaking kabrutalan ang naganap. Bakit kailangan pang ilibing at bakit kailangan pang patayin??
Isa lang ang ninanais ngayon ng lahat ng apektado sa pangyayaring iyon...Ang makamit ang agarang hustisya sa lahat ng nabiktima at isang matinding kapausahan sa lahat ng nag-plano at lahat ng nasa likod ng krimen na iyon!


...at sa ibang balita, dumako naman tayo sa kwentong kutsero! ...wenk! x-l

Nitong nagdaang dalawang linggo, aaminin ko na, medyo nakakatamad ng konti ang makinig, magsulat, magbasa sa loob ng silid-aralan. Pero hindi ko naman sinasanay ang sarili kong tamarin! May mga panahon kasing pumipikit ang mga mata ko at humihikab habang may nagsasalitang propesor sa harap. Kapag dumadating na ang pisteng pagkakataon na yon, eh hindi ko na alam kung pano ako makakatakas ng tulog at kung papano ako pasimpleng pipikit. haha! Nakakalungkot kasing isipin na nakaka-urat ng makinig sa loob ng dalawang oras kasi habang tumatagal nakakantok talaga, at dahil dun, nababawasan ang pumapasok sa utak ko!!
Pero dibale, magaling naman mag-lecture yung professor namin, may problema nga lang talaga.

Dami pa ko kwento ee...
tinatamad na ko!!!

haha...

1 comment:

eunice said...

that was freaky...