Friday, April 22, 2011

walang title:)

Mabagal nanaman ang takbo ng oras, mabagal din ang takbo ng isip, mabagal ang pagkilos, mabagal ang mga pangyayari, nakakatamad! Ngayon na lang ulit nangyari na maghapon akong tumambay sa kwarto, walang sounds, walang creative juices, walang nagteteks, wala sa mood, walang gana tumayo sa kama. Gusto kong matulog buong hapon, kaso hindi pwede eh. nagigising ako. aw! badtrip! Buti nalang may katabi akong dalawang komiks na puno ng kalokohan. Pampatawa, at pampaantok na din parang yung OJT ko lang...

segwey..

Kwento ko lang ah, uhm...yung kwan, yung first two days ng OJT ko. :)

MONDAY: Ayun, ang asteeg eh. Nung una nakikiramdam, nung pangalawa nakikiramdam parin, pangatlo nakikiramdam parin, pang-apat ay eto na...tinanong na pangalan ko, iskul kung san nag-aaral, year level, course, contact number, kumpletong tirahan at suking tindahan (joke na to). Abala si mam, walang maipagawa sakin hanggang sa:
##: "kaya mo naman kahit anong gawain diba?
**: "ahm..opo"!
##: "gud! sa ngayon kasi wala pa kong maipagawa sayo eh.. siguro mag-invemtory ka muna ng mga boxes ah.. lahat! wala kang dapat makaligtaan"
**: "ohsige po".

Ayon! First day, nakahon ako! libre alikabok pa nga eh. Di ko akalain na sa room of folders, boxes and dust ako maa-assign. haha! KATROMA! pramis!
Gusto kong magreklamo, kaso nahiya ako, ang bait kasi nung "boss" ko eh, makwento pati. Edi go with the flow ang banat ko, abala sila eh, edi makiki-abala din ako. haha!

WEDNESDAY: Wala si "boss" pero si "assistant boss" present. Ayos lang, mas mabait at makwento sya. Aktwali, nakwento na nya yung mala-MMK na kwento ng buhay nya. as in! Balik ako sa kahon, pero mas magaan trabaho ko this time. Xerox...gupit...xerox...gupit...label...dikit. parang naglalaro lang no. Medyo petiks ang araw na yon, pero desido akong matapos yung trabaho ko pero sa kasamaang palad, hindi ko natapos at may babalikan ako sa lunes.

Balik tayo dun sa unang talata...
Madami nanaman akong natutunang kalokohan dahil dun sa "kikomachine komiks". Asteeeg! Kahit walang kwenta yung mga strip, matutuwa ka kung nakakarelate ka sa mga kalokohan ng mga tauhan. Rak en ROL! \
m/
Salamat nga pala sa kaibigan kong itatago ko nalang sa pangalang "bertong badtrip", dahil sa pagpapahiram nya sakin nung kikomachine bilang 5 at 6.
May napag-abalahan ako ngayong mahal na araw. Pero hindi ko pa natatapos yung bilang 5, gawa ng mas madami akong tulog kesa basa. Pero matatapos ko na yun bukas. for sure. :)




ok tapos na! YEY! :)




"hindi ako masamang damo. ako'y badtrip na damo!"
-bertong badtrip-

Friday, April 15, 2011

random memories...

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o magsisisi dahil may pag-0-0jt-han na ko. Osige na nga, matutuwa nalang ako, wala namang dapat ikasisi...siguro. Ewan ko ba, may nase-sense akong di maganda o siguro napa-paning lang ako. (*ngiti)
Kasalukuyan akong nabuburyo sa init at wala akong magawa kaya naman naisipan kong mag OST (on-the-spot-TYPING), kung ano masabi ng utak, ay syang ita-type ko. :)

The Lazy song-Bruno Mars


(ipon memories...)
Ok, GO!

1.chusy. Kahapon, nagpagdesisyonan ko ng maghanap ng kumpanya kung san ako pwedeng mag-ojt, kasama ng isa sa mga kaklase ko. Dala ang mga pwedeng requirement, inquire...inquire...inquire...
First stop: SSS, hindi na daw sila tumatanggap ng ojt, balaik nalang daw kase sa july.
Second stop: Quezon City Hall, hindi na din sila tumatanggap ng ojt, puno na den kasi may summer job daw sila.
Third stop: National Housing Authority, puno na din sila (aw!) pero gusto nila kaming bumalik ng june, napilitan kaming mag-iwan ng resume ng labag sa loob. Binigay samin yung numero ng telepono nila at yung listahan ng requirement.

Tinamad na kaming maglakad kaya naman nagdesisyon kaming bumalik sa DOJ, kaso may problema, wala ng dalang resume yung isa kong kasama kaya naman namroblema kami ng bahagya. malapit na kami sa PHILCOA, naisip ko na merong internet shop malapit don at pinilit ko yung kasama ko na gumawa ng resume.
Nakikisama ang pagkakataon, dala ko yung usb flashdrive kung san may kopya ko ng resume. (YES!) edit...edit...edit... Pagkatapos ng dalawamput isang minuto, natapos ang pag-eedit. (3:21pm) Nagmadali na kaming pumunta ng City Hall para kumuha ng police clearance, nakikisama parin ang pagkakataon, wala ng masyadong tao. (YES) fill-up...bayad..pa-picture... Pagkatapos nun, nagmadali na kaming pumunta ng DOJ. Pagpasok sa loob, hingal, pawisan, amoy araw, pero kanais-nais parin naman kaming tignan. :)

2.summer class. Sa wakas, umattend na din samin ang propesor namin sa english20 makalipas ang isang linggo na tinamad syang pumasok samin. Ayos, unang bungad samin, "tutorial fee" agad muna ang lesson. Pero parang sulit naman siguro ang ibabayad namin sakanya, magaling magsalita, maganda magturo, malinaw, pero trying hard magpatawa. Naninigil din pala sya ng mga xerox na papel.

3.karma. Kagabi, patay ang ilaw sa labas, madilim. paglagpas ko ng pinto, akala ko nagkaron ng pader sa labas ng bahay namin, nabigla ako at nawalan ng balanse.. ayun, may nakaharang na upuan. Sa takot kong bumagsak, hinarang ko yung tuhod ko sa upuan, sa kasamaang palad, bumagsak padin ako. Nagasgasan ang tuhod ko at hanggang ngayon may kirot padin. Nung una dedma, pero nung nagtagal, mahapdi.


"minsan masarap ang mag-isa
, dahil may chance ka para makapag isip ng wasto at yung alam mong ikakabuti mo." :)

"Word of the LOURD" videos I LIKE! :)

Tuwing maaga akong nagigising, otomatik yan pagpunta ko sa sala, "sapul sa singko" na ang palabas sa TV namin na tinututukan ng nanay at tatay ko. At ang pinaka paborito nilang segment don ay ang Love Hurts. Pero may isang segment sa sapul sa singko ang nakaaliwan kong abangan at panuorin, eto yung "WORD of the LOURD", kung san si Lourd De Veyra ang host. Sinubukan kong i-search sa youtube ang mga videos ng bawat episode sa Word of the Lourd at ang mga sumusunod ang nagustuhan ko.

masaya to. :)
[source: YOUTUBE]

"slang"


"sino ang tunay na tanga?"


"trash talk"



"Epektib Job-Hunting Tips"


"snappy answers to stupid questions"


"hudas ka!"


"kalasingan"


"wag mo kong tapakan"

Sunday, April 10, 2011

watta!

Sa gitna ng pag-iisip, kunot na noo, di mabilang na buntong hininga,hindi mapakaling kamay na paulit-ulit na ginugulo ang bangs, nangingibabaw ang pag-aalinlangan.
Ang bisyo ng buhay...parang cellphone, minsan walang load, minsan unlimited, minsan may load pero useless, minsan lowbat, nakapatay.
Sa ngayon hindi ako makapag-isip ng maayos! Parang gusto kong maging epal sa ibang tao ngayon, mangabala ng abala, magpapansin. Ay ewan, may gusto akong ilathala sa tekstong ito, ngunit hindi ko magawa dahil ngarag ang isip ko. Akala ko ok na ang lahat. eh okey naman na talaga, maarte lang ako.
Hay, bisyo ng buhay! Hindi naman sa pagiging literal,pero yung ibang bagay ay pawang katotohonan ay may kinikilingan. Wala lang!
Nag-aalinlangan ako sa isang bagay at wala akong masabe. Ang bilis ng panahon. Yung dating segundo eh lumipas na at kalaunan ay naging taon.
Hindi ko mailabas ang saloobin ko, trip nyang magtago. Misan naisip ko, mabisyo ba ko? O baka magulo lang ang isip ko.

Naunawaan mo ba?
hindi?
ayos lang. APIR TAYO! :) o/\o


Tuesday, April 5, 2011

summer class...

Bilang isang normal na estudyante ng college, normal din naman siguro ang magkaroon ng "summer class". Isa lang naman kasi ako sa mga estudyanteng nagtitiis na walang bakasyon, gumigising ng maaga, nag-aantay ng propesor, tumatambay sa koridor, nakatunganga, antay ng susunod na sabdyek, tambay sa labas ng geyt, nakikipagkulitan sa mga kaklaseng nagsa-summer class din. Ngayong bakasyon, ganyan lang ang takbo ng buhay ko sa eskwela araw araw, napakaswerte ko pa din dahil kahit papano hindi ako nabuburyo sa bahay kakakaen, kakanuod at kakatulog. May oras na nagsisisi ako dahil kailangan kong magsummer sa eskwela, hindi ko tuloy maasikaso yung OJT ko, pero dahil mababait ang mga propesor namin, binibigyan kami ng mgandang iskedyul at dahil don, I'm not hopeless anymore!:)
kung noon, nade-depres ako kaka-isip ng kung pano ako makakapag-ojt habang
nag-aaral, hindi na ngayon. Sa isang linggo, dalawang araw ang ang pasok ko, may bakante akong tatlong araw sa wikdeys, siguro oras yon para makapag-ojt na ko.
(nablangko...brgrgeyrrr...gutom) ...okey, go!

Sa tatlong sabdyek na binabalikan ko, hindi ko naman inisip na ganung ako katamad mag-aral, siguro may rason para dito (pampalubag loob) , para pagsisihan ko yung mga bagay na hindi ko nagawa noon tulad ng pagiging tamad ko magbasa ng mga announcements sa bulletin board, late magpasa ng requirements at tamad magdala ng requirements. Natutuwa nga ako eh, kaht
papano na-ikpiryens ko ang sumer class, hindi naman ako nabuburyo sa eskwela dahil madami akong kausap, kakwentuhan at katawanan. Mas okey na yun, kesa naman ipagwalang bahala ko ulit ang mga sabdyek na pinabayaan ko na noon.
Sa ngayon, gusto ko lang ng positive energy para makaraos ako dito sa pinasukan ko tutal hindi lanag naman ako nag-iisa eh, at matatapos ko to ng maayos. :)


okeeeyy... istap et!
matulog kana! :)