Sunday, April 10, 2011

watta!

Sa gitna ng pag-iisip, kunot na noo, di mabilang na buntong hininga,hindi mapakaling kamay na paulit-ulit na ginugulo ang bangs, nangingibabaw ang pag-aalinlangan.
Ang bisyo ng buhay...parang cellphone, minsan walang load, minsan unlimited, minsan may load pero useless, minsan lowbat, nakapatay.
Sa ngayon hindi ako makapag-isip ng maayos! Parang gusto kong maging epal sa ibang tao ngayon, mangabala ng abala, magpapansin. Ay ewan, may gusto akong ilathala sa tekstong ito, ngunit hindi ko magawa dahil ngarag ang isip ko. Akala ko ok na ang lahat. eh okey naman na talaga, maarte lang ako.
Hay, bisyo ng buhay! Hindi naman sa pagiging literal,pero yung ibang bagay ay pawang katotohonan ay may kinikilingan. Wala lang!
Nag-aalinlangan ako sa isang bagay at wala akong masabe. Ang bilis ng panahon. Yung dating segundo eh lumipas na at kalaunan ay naging taon.
Hindi ko mailabas ang saloobin ko, trip nyang magtago. Misan naisip ko, mabisyo ba ko? O baka magulo lang ang isip ko.

Naunawaan mo ba?
hindi?
ayos lang. APIR TAYO! :) o/\o


No comments: