Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o magsisisi dahil may pag-0-0jt-han na ko. Osige na nga, matutuwa nalang ako, wala namang dapat ikasisi...siguro. Ewan ko ba, may nase-sense akong di maganda o siguro napa-paning lang ako. (*ngiti)
Kasalukuyan akong nabuburyo sa init at wala akong magawa kaya naman naisipan kong mag OST (on-the-spot-TYPING), kung ano masabi ng utak, ay syang ita-type ko. :)
The Lazy song-Bruno Mars
(ipon memories...)
Ok, GO!
1.chusy. Kahapon, nagpagdesisyonan ko ng maghanap ng kumpanya kung san ako pwedeng mag-ojt, kasama ng isa sa mga kaklase ko. Dala ang mga pwedeng requirement, inquire...inquire...inquire...
First stop: SSS, hindi na daw sila tumatanggap ng ojt, balaik nalang daw kase sa july.
Second stop: Quezon City Hall, hindi na din sila tumatanggap ng ojt, puno na den kasi may summer job daw sila.
Third stop: National Housing Authority, puno na din sila (aw!) pero gusto nila kaming bumalik ng june, napilitan kaming mag-iwan ng resume ng labag sa loob. Binigay samin yung numero ng telepono nila at yung listahan ng requirement.
Tinamad na kaming maglakad kaya naman nagdesisyon kaming bumalik sa DOJ, kaso may problema, wala ng dalang resume yung isa kong kasama kaya naman namroblema kami ng bahagya. malapit na kami sa PHILCOA, naisip ko na merong internet shop malapit don at pinilit ko yung kasama ko na gumawa ng resume.
Nakikisama ang pagkakataon, dala ko yung usb flashdrive kung san may kopya ko ng resume. (YES!) edit...edit...edit... Pagkatapos ng dalawamput isang minuto, natapos ang pag-eedit. (3:21pm) Nagmadali na kaming pumunta ng City Hall para kumuha ng police clearance, nakikisama parin ang pagkakataon, wala ng masyadong tao. (YES) fill-up...bayad..pa-picture... Pagkatapos nun, nagmadali na kaming pumunta ng DOJ. Pagpasok sa loob, hingal, pawisan, amoy araw, pero kanais-nais parin naman kaming tignan. :)
2.summer class. Sa wakas, umattend na din samin ang propesor namin sa english20 makalipas ang isang linggo na tinamad syang pumasok samin. Ayos, unang bungad samin, "tutorial fee" agad muna ang lesson. Pero parang sulit naman siguro ang ibabayad namin sakanya, magaling magsalita, maganda magturo, malinaw, pero trying hard magpatawa. Naninigil din pala sya ng mga xerox na papel.
3.karma. Kagabi, patay ang ilaw sa labas, madilim. paglagpas ko ng pinto, akala ko nagkaron ng pader sa labas ng bahay namin, nabigla ako at nawalan ng balanse.. ayun, may nakaharang na upuan. Sa takot kong bumagsak, hinarang ko yung tuhod ko sa upuan, sa kasamaang palad, bumagsak padin ako. Nagasgasan ang tuhod ko at hanggang ngayon may kirot padin. Nung una dedma, pero nung nagtagal, mahapdi.
"minsan masarap ang mag-isa
No comments:
Post a Comment