segwey..
Kwento ko lang ah, uhm...yung kwan, yung first two days ng OJT ko. :)
MONDAY: Ayun, ang asteeg eh. Nung una nakikiramdam, nung pangalawa nakikiramdam parin, pangatlo nakikiramdam parin, pang-apat ay eto na...tinanong na pangalan ko, iskul kung san nag-aaral, year level, course, contact number, kumpletong tirahan at suking tindahan (joke na to). Abala si mam, walang maipagawa sakin hanggang sa:
##: "kaya mo naman kahit anong gawain diba?
**: "ahm..opo"!
##: "gud! sa ngayon kasi wala pa kong maipagawa sayo eh.. siguro mag-invemtory ka muna ng mga boxes ah.. lahat! wala kang dapat makaligtaan"
**: "ohsige po".
Ayon! First day, nakahon ako! libre alikabok pa nga eh. Di ko akalain na sa room of folders, boxes and dust ako maa-assign. haha! KATROMA! pramis!
Gusto kong magreklamo, kaso nahiya ako, ang bait kasi nung "boss" ko eh, makwento pati. Edi go with the flow ang banat ko, abala sila eh, edi makiki-abala din ako. haha!
WEDNESDAY: Wala si "boss" pero si "assistant boss" present. Ayos lang, mas mabait at makwento sya. Aktwali, nakwento na nya yung mala-MMK na kwento ng buhay nya. as in! Balik ako sa kahon, pero mas magaan trabaho ko this time. Xerox...gupit...xerox...gupit...label...dikit. parang naglalaro lang no. Medyo petiks ang araw na yon, pero desido akong matapos yung trabaho ko pero sa kasamaang palad, hindi ko natapos at may babalikan ako sa lunes.
Balik tayo dun sa unang talata...
Madami nanaman akong natutunang kalokohan dahil dun sa "kikomachine komiks". Asteeeg! Kahit walang kwenta yung mga strip, matutuwa ka kung nakakarelate ka sa mga kalokohan ng mga tauhan. Rak en ROL! \m/
Salamat nga pala sa kaibigan kong itatago ko nalang sa pangalang "bertong badtrip", dahil sa pagpapahiram nya sakin nung kikomachine bilang 5 at 6.
May napag-abalahan ako ngayong mahal na araw. Pero hindi ko pa natatapos yung bilang 5, gawa ng mas madami akong tulog kesa basa. Pero matatapos ko na yun bukas. for sure. :)

ok tapos na! YEY! :)

"hindi ako masamang damo. ako'y badtrip na damo!"
-bertong badtrip-
No comments:
Post a Comment