Wednesday, March 4, 2009

maluphet na astig!! 31 (nag-iinit na ko!...este, naiinitan pala!!)


...
marso nah...
mainait nah...
ibig-sabihin...
"summer" nah!!

labis akong natutuwa at nagagalak dahil malapit ng matapos ang eskwela...
konting tiis nalang...mai-sasantabi ko na rin ang mga libro, kwaderno at panulat ko!!
"hagard" na "hagard" na ko sa mga takdang aralin...
maikling pagsusulit...
eksam...
proyekto...
"research"...
rebyu...
"community service"...
paninipsip sa propesor...
at kung anu-ano pa...
na kailangan talagang pagbuhusan ng isang daang porsyento ng lakas at effort"!!
kung gusto mu talagang makakuha ng mataas na marka...
maaga ang bakasyon namin ngayon...
sa huling linggo ng marso, oras na para magsiyesta at kalimutan ang tungkol sa pag-aaral...
at mga leksyon sa eskwela!!

malapit na ang araw, oras, minuto at segundo ng pag-babakasyon...
pag-papakasarap kasama ang pamilya...
"outing", kasama ang barkada...
matulog...kumain...at matulog!!!
....

nuong huling bakasyon ko...
ayos naman kasi bago matapos un...
nakapag-saya ako!!
naligo...
kumain...
naligo ulit...
sa isang resort kung saan isang sakay sa jeep at isang sakay sa traysikel ang pagitan at layo!!

masaya din kasi..
nagunaw ang mundo ng mga daliri ko...dahil bago kami umuwi eh, nawala ang "cellphone" ko!!
ang malas nga naman...
pagkatapus ng kasiyahan eh...pagdadalamhati ang naging katapusan!!
hahaha...^^,)
....sa ngayon, hindi ko na ipinagpatuloy ang pag-iimbestiga sa paghahanap nung nasabing bagay!!
hindi narin ako nagsampa ng demanda laban sa sarili ko...
sa kasong hindi pa naiisabatas sa ngayon!! hehe!!
...

kahapon...
tinamad akong pumasok...
pero hindi ko alam kung bakit dinala ako ng mga paa ko sa paaralan namin!!
lima ang asignatura ko kapag lunes, miyerkules at biyernes...
pero pagpunta ko dun eh...
sa ikalimang asignatura na ko nakapasok!!!
sa kamalas-malasan ba naman eh...
hindi pa pumasok yung propesor ko nung araw na yun!
kaya ang kinalabasan eh...nagsayang lang ako ng pamasahe!!
pero ayos lang dahil, nagkaruon naman ako ng salapi...
haiszt...

sa ngayon naman...
kasalukuyan akong nakikinig ng musika habang nagsusulat sa Blog na to!!
meron akong katabi na naglalaro ng dota!!
meron naman akong nkatabi na nag pe-facebook!!
haist...nakakaantok naman dito!!



No comments: