...
ai naku...
naabala ako kanina sa pag-gawa ko ng "banana chips"!!
sa kadahilanang nangangailangan ng potograper ang aming kapit-bahay!!
para sa ikabubuti ng ipe-presinta na sayaw ng kanyang anak!! (anu daw?)
may programa sa eskwelahan ang anak ng kapit-bahay namin na umabala sakin!!
wala siyang maistorbong iba kaya ako ang pinatulan niyan abalahin!!
at dahil, mabuti ang aking kaluoban...walang pag-aalangan ko siyang tinulungan!!(oha!)
pagtungo namin sa eskwelahan kung saan may programa...
andaming mga magulang...
naaliw ako sa mga nasilayan ko...
puro damit pang boy scouts at girl scouts ang mga kostyum nila!!
akala ko tatlumpong minuto lang ang itatagal ng aking trabaho...
sa di inaasahan...at di ko talaga siya inaasahan na pangyayari...
umabot kami ng higit apat na oras...ay teka, mahigit tatlong oras lng pla!
ang gagawin ko lang naman eh...
kuhaan ng litrato ang ang anak ng kapit-bahay ko...
may sayaw daw kasi sila!!
pagkalipas ng halos tatlong oras na...
saka palang nagpresinta ng sayaw ang taong kailangan kong biktimahin para makakuha ng ilang larawan!!...
yun lang naman ang dapat ipinunta ko dun eh...kaso masyado akong napaaga!!
kaya...todo hintay ako habang tumutulo na ang pawis ko!! (adik talaga!)
...
friday the 13th pala ngayon...
ang sabi ng ilan...malas daw sa iba ang araw na toh!!
sumang-ayon naman ako dahil...di ko inakalang bibiktimahin ako ng pagkakataon na malas sa iba!!
alas otso ng umaga ang simula ng finals exam namin nagyong araw na toh!!
alas-sais ako umalis sa aming tahanan para maagang magtungo sa eskwelahan..
hindi ko inakalang alas nueve kinse na ko nakarating sa paaralan!
hindi ko na naabutan ang unang asignatura namin para makapag eksam!!
ang malas nga naman...
buena-mano ang kamalasan sakin...!!
hudas nga naman...
nakaitim pa naman ako...
ayos!!
teka-teka...
out na koh!!
^^,)
No comments:
Post a Comment