...
para kay Emay,
hala...magkakalayo na tayo!!
lipat ka ng iskul eh...
mamimiss kita zyame...
belated hapi burndex sayo..haha!!
pakisabi dun sa videoke machine niyo...hindi ko sya makakalimutan!!
salamat sa hindi niya pagpapakanta saken nung nakaraang kaarawan moh!!
salamat sa pagpapakain...lalo na yung vodka na pinainum mo saken!!
ayos yun...lakas tama!! hyper sa sikmura...nakakaloka!!
mag iingat ka dun sa new era...madamo pa naman dun...tapos tago pah!! haha!!
gudlak sa pag aaral mo...salamat sa kabaliwan!!
pakisabi nga pala kay reyshel, sa susunod na maglalayas sya...dun na sya matulog sa bahay namin!! hehe...
salamat sa kabaliwan...
gudlak sa "BANGS!!"^^,)
para kay Maykel,
alam mo...ayaw mo pa kasing umamin...
kahit sakin mo nalang sabihin! mauunawaan naman kita eh!! ayos lang yan...tao ka lang naman diba?, may karapatan kang maging malaya!! hindi ka makakatanggap ng kahit anong klaseng diskriminasyon sakin...pramis!!
hehe! biro lang! kahit hindi!
kahit na inaapi mo ko, sa pamamagitan ng iyong mabibigat na kamay at salita...ayos lang! kasi mas naaapi kita..mas lamang parin ako sayo noh! haha!!...pero kahit ganun...mag-iingat ka poreber ha!!
uii...sabay tayo mag-enrol! ano?! um poreber bah?!, o sige, ganito nalang...sabay nalang tayo sa U.P kung sakali!!haha! ingatan mo yung santo naten ha...yung iglesia ni naruto...OK!
C-S...FIGHT!
para kay Nickah,
ang EMO...EMOtera!!
ui girl, salamat dun sa isang buong bond paper na punung-puno ng pangalan ko!!
ang kyut pramiz...na-appreciate ko yung papel at yung bolpen kasama narin yung tinta!hehe!
salamt sa trenta pesos na ipinautang mo sakin kamakaylan...para mabayaran ko yung proyekto ko!! salamat din dun sa kodigo na ginawa niyo ni maykel para saken...para dun sa special exam ko social science!! kaso hindi ko nagamit!! haha! ang higpit kasi magbantay ni mam Perez! salamat kahit na hindi naman kita sinisingil dun sa utang na luob mu saken eh! hehe!
mag-iingat ka girl ha!...mamimiss kita!! pramis!
para kay Irene,
alam ko nagseselos ka saken kasi ako yung mas gustong kasama ni maykel lagi...haha!!
ui Irene, biro lang ha!!biro lang talaga...pramis!!
haii...ano bang masasabi ko sayo??!
o sige ganito nalang...
salamat sa pagiging secretary at the same time treasurer ng grupong "Doraemon" sa CWTS!
salamt sa pagkolekta at pagtago ng mga ambag naming salapi..kahit na hindi ko nadama lahat!!
hehe! salamat sa ambag na katatawanan at kalokahan!!...
Gudlak sayo...Conejos!^^,)
para kay Jusyl,
ang ILU...ILUsyunada!!
alam mo...nauunawaan kita sa pagsabi mo na ayaw mong pumayat kasi hindi kana magmumukhang mayaman!!
sayo ko lang nalaman na ganmun pala yun!!
salamat din sa paglalaganap ng katatawanan at kalandian ninyong apat!
ewan ko ba...simula nung mapagrupo ako sa inyo...nagkaruon ng bakas ng kalandian sa sarili ko! haha!!
sinabi mo sakin onetime na, kaya kayo madalas na nagtatalong apat... eh kasi, matatapang kayong lahat!! uo nga eh...antapang nga! lalo kana!!
...wish you all the weight!! magpakataba kapa!! hehe!!
para kay Jhad,
ang AMBI...AMBIsyosa!!
hmmm...ang pinaka madaldal sa grupo ng mga malalandi! (si maykel ang nagpangalan sa inyo nun!!)
ang pinuno ng grupong "DORAEMON!!"
alam mo bang ikaw ang may pinaka mabigat na dinadala?! hehe!
minsan magugulat nalang ako o kami sayo dahil bigla ka nalang magsasalita...sisigaw...titili...kikiligin!! siguro ikaw ang pinaka makulit sa grupo...(siguro lang!!) madalas huli sa unang asignatura!
sa inyong apat...pagdating sa kulitan... merong may sense of serious, may ma-sense of humor, may mas ma-sense of humor at pinaka ma-sense of humor!!
pagdating naman sa pagkaseryoso...may naiinis lang, may naiinis pero natatawa, may galit at may pinaka galit!!
pagdating naman sa boys...ay naku! ikaw ang nangunguna! (sa tingin ko lang!)
ui...nga pala! salamat kasi kapag nakikitxt ako sayo, pinapatxt mo ko!! hehe!!
Gudlak sa luvlyf!!
para kay Sarah,
para saming dalawa ni maykel, eto ang pinaka malandi! hehe!! ang babaeng mahilig sa pocketbook at magtxt!!
kahit na iniiwan namin siya sa ere...ayos lng sa kanya!...kase, iniiwan niya din kami sa ere kapag uwian na!!
ang babaeng madalng makisama kahit kanino niya gusto!!
kahit na lagi mong ikinakasabwat si maykel para pagtripan ako...ayos lang!!
kasi mas napagtitripan kita!! hehe!!
mag-iingat ka lag!
ang wish ko lang sana...may magregalo sayo ng skin&white!!...joke lang!
para kay Mariene,
hmmm...
teka lng...
sandali...
o sige, eto nah...
dahil ikaw si Mariene...ang masasabi ko lang...haaaayyy!!
masiyado kasi tayong close eh...ayan tuloy!!
pero...nakita na kitang umiyak! nakakatuwa kasi...namumula yung mga mata mu nung mga oras na yun...hehe!! ayun lang!!...^^,)
baka kung anu pa masabi ko!! ...
para kay Apple,
epol apol...
ang taong adik!!
masayahin din kahit papano...hehe!
parang lalaki kung umasta! maangas din...pero konti lng!!
mabait din naman!!
salamat sa mga panlilibre at pakikisama samin...hehe!
gudlak sa inyong dalawa ni Marky...
at sana magbati na kayo ni Cheng!!
ok...
C-S...FIGHT!!
para kay Cheng,
eto, malakas din trip nito...
may pagkasaltek...hehe!!
simula nung nagkagulo sila nung ex-bestfriend niya...
kahit ayaw niya aminin, gumuho mundo niya!!
napansin ko ang pangungulila sa kanyang mga mata...hehe!!
aminin mo Cheng...miz mo na siya!
at aminin mo din na gusto mo na talagang magkabati kayo...
haaayy...
ang tanging hiling ko lang...sana, magka-ayos na kayo nung ex-bestfriend mo!!
ingat ka lagi ha!!
para kay "kambal" -Krissel-,
kambal...pasenya na! wala na kong makuhang litrato ni FM eh...
don't wori...hanap ulit ako!!
di kana nag kokomento saken ahh!! sawa na ba?! haha!!
salamat sa pagtawag saken ng "doraemon"
...ingat ka forlyf!!
para sa set-F,
sa isang buong unang semester, na pagsasama-sama nating lahat...konti lang kayo na naging close ko!!
ang chu-choosy niyo kasi eh!!
pero ayos lang...kasi nung dumating yung ikalawang semester, mas dumami pa yung naging close ko! kahit na ibat-ibang set na ang narating ng iba!!
at sa isang buong taon na yun...madaming nabago sakin...sa pamamagitan niyo!
ay naku...basta!!
pero infairness...kahit na kumonti ang lahi ng bawat grupo sa set na yun...
hindi nawala yung komunikasyon nila sa isat-isa!!
(tama ba ko??)
para sa set-B,
haay naku...
eto ang set kung san ako nabibilang ngayong ikalawang semester...
wala akong masyadong naging "close"!
hindi ko sila lahat halos kilala...
pero may mga nakilala naman ako...pero konti lang eh!!
para sa kanila...hay naku...
wala akong masabi!!
para sa propesor ko,...(na di pa binibigay ang libro ko!)
hay naku...
mawalang galang na po...
kapag di mo pah binigay ang libro ko...
iisipin kong nangurakot ka sa set namin!!
marami-rami din po kami...binigay mo na yung class cards namin, pero yung libro di mo pa naibibigay??!!...
anu ba namang klase yun??!
tapos...siningil mo pa kami para sa isang project na hindi naman namin alam kung san napunta at kung anung klaseng project yun??!!
ang masasabi ko lang!!! hindi kita tatantanan!! hahahahah!!!
(sana hindi niya mabasa toh!!)
para kay BRO'. (Lord God)
salamat sa lahat...
salamat dahil nakaraos na ko sa unang taon ko sa kolehiyo...
salamat dahil ginabayan mo ko...
salamat dahil mahal mo ko...
salamat dahil pinahiram mo ako ng isang buhay na napaka-ganda...
salamat dahil nakilala kita ng buong puso ko...
salamat dahil tinupad mo yung hiling ko, nitong nakaraang linggo lang!
salamat dahil masaya ang pamilya ko...
salamat sa lahat ng biyaya na ibinibigay mo...
salamat dahil nandyan ka lang lagi para sakin...
salamat dahil laging bukas ang pinto ng puso mo para patawarin ako sa mga pagkakasala ko...
salamat dahil ipinaalam mo ssakin na walang imposible hanggat nananalig ang tao sayo...
salamat dahil handa kang tumanggap ng kahit anong hiling ng tao...
salamat dahil napakasaya ko!!
mahal na mahal din po kita ng sobra sobra!!
thanks Bro'....AMEN!!
para sa mga mambabasa ng kompyuter sa tagalog,
maraming salamat sa pagbabasa!!!
sana may napulot kayong ikagaganda ng buhay niyo!!
hahaha!!
No comments:
Post a Comment