Tuesday, March 31, 2009

maluphet na astig!! 36 (PAMILYAR BA KAYO?!) part 1

...
kamusta mga tagasubaybay at mga mambabasa ng BLOG ko..(as if meron nga?!)

kamakailan lang...nung nakaraang linggo...sa ganap na alas dose ng madaling araw islash hating gabi, napasubo ako sa isang nomohan...inuman bah!!
(courtesy of ginebra san miguel blue at tang pineaple!)
lima kaming na nagsalo sa isang litro ng GIN , tatlo kaming babae (note: yung isa, nagbababae lang!) at dalawang lalaki!!
medyo naudlot pa yung inuman namin sa kadahilanang naubusan na kami ng yelo...kaya nagtiyaga kami sa isang bote ng malamig na tubig...(courtesy of ate Mhedy! haha!)

nanunuod kaba ng "Rated K" ni Korina Sanchez?...kung nanunuod ka...nanuod kaba ng "Rated K" nung nakaraang linggo? maliban sa linggo na toh..
yung episode ni Korina na "limag Elemento"
kung napanuod mu yun...malamang pamilyar ka sa ikukwento ko...

dun tayo sa unang kwento ng episode na yun...
dun sa elemento ng apoy!
yung kwento niya tungkol sa isang bading na naging prostitute at ngayon isa ng firedancer sa Boracay?!
sa maniwala man kayo o sa hindi...isa siya sa mga nakainuman ko nung mga oras na yun!!
siya yung nagbababae na kasama namin!!
habang nag-iinuman kami naikwento niya yung mga ikspiryens niya sa boracay!!
nung unang kwento niya...hindi ko masyadong inintindi kasi abala ako sa pagkain ko ng pulutan ng mga oras na yun..hehe!!
pero ang sa naaalala ko...
nung andun na daw sya sa boracay, meron siyang pocket money na limang libong piso!!
tapus, naghanap sya ng isang apartment na matutuluyan!
nung andun na siya sa apartment...nakakilala sya ng mga bading, tinanung nya kung san pwedeng magtrabaho...
tinulungan siya nung mga "gays"...binigyan siya ng trabaho...at yun na nga ang pagpo-prosti!!
kumikita daw siya ng labing lima hanggang tatlumpumg libong piso!!
(di ko na ikukwento yung ibang detalye tungkol dun...medyo maselan!! hehe)

tapus nung natauhan na siya...medyo nagbago yung karir niya...
nung dumaan daw siya sa isang bar na may nagpa-fire dancer!!
naisipan niya na gusto niyang matutuhan yung bagay na yun...kaya gumawa siya ng paraa!!
hanggang sa isang araw, nakilala niya yung isang artista na nagturo sa kanya ng firedance!!
si ms. Rachell Lubangco! (kilala niyo ba siya?! )
pinanuod niya kung panu magturo si ms. Rachell...hanggang sa natuto siya!!

(TO BE CONTINUE>>)

mas exciting yung nxt part!!

No comments: