Tuesday, April 14, 2009

astig na maluphet!! 39 (alay lakad pampatanggal ng "fats") penitensya 101!



muka na ba kaming hagard dyan??! haha!!
...
kamusta naman kami nitong nakaraang huwebes santo...
nag pasyon kami at nag "station of the cross" sa isang malaking simbahan duon sa lugar ng Tungko!
hindi ko alam kung bakit ako napasama sa isang malaking penitansya na yun!
yun ang unang beses na makaekspiryensya ko ang maglakad ng siguro humigit kumulang singkwenta kilometro!
sinimulan namin ang paglalakad mula Lagro sa lunsod ng Quezon at narating namin ang siyudad ng San Jose Del Monte...ang unang Lunsod sa Bulacan...
at hindi lang yun...naglakad pa kami hanggang sa pinakaluob-luoban ng tungko hanggang sa makarating kami sa simbahan ng "Grotto" na aming tunay na destinasyon...
labing apat kaming magkakasamang naglakad patungo sa nasabing lugar na yun!
takot kaming may mahuli o mawala sa aming grupo kahit na isang miyembro lang..
humihinto kami kapag nangyayari yun!!
nung nagsimula akong maglakad...nakasuot ako ng "rubber shoes" kasi naman...maglalakad nga eh! para iwas alikabok at pagkadugyot ng paa!!
ngunit sa hindi katagalang parte ng aming paglalakad eh...bumigay na din ang paa ko sa pagkakasuot nung ng nasabing sapatos na iyon...nagkapaltos-paltos na ang paa ko sa kadahilanang wala akong medyas!!
nung huminto sila sa isang panedirya para bumili ng tinapay...yun na ang pagkakataon ko para makapagpalit ng tsinelas...hindi na kasi talaga kaya ng mga mababango kong paa!!..haha!!
para nga akong pupunta sa isang kamping o pildtrip nung mga oras na yun dahil sa porma ko!!
hehe...punong puno kasi ng gamit ang bakpak ko...at meron pa kaming dalang tubo!!
di kal;aunan...ng marating namin ang destinasyon na pakay namin eh...
di na muna kami nagpahinga at tinuloy namin ang paglalakad hanggang sa matapos naming ang isteysyon op da kros!!
magaalas onse kami ng tahakin namin ang lugar na yun...at pasado ala una na kami nakarating!!
grabe ang dami at bilang ng mga tao sa lugar na yun!!
yung tipong pati yung parke nung simbahan eh punong puno ng mga taong nakahiga at nagpapahinga!!
kung hindi ako nagkakamali...taon taon kapag mahal na araw ay subra talagang napupuno ang lugar na yun!!
madami naman kaming naglakad...kaya hindi kami masyadong nabagnot sa kalalakad!!
eksakto dahil labing apat kami...
labing apat din ang istasyon na aming dadaanan!!!
kaya ang naisip ng isa sa aming kaybigan eh...bibigyan ang bawat isa ng piraso ng kandila at siya ang matitririk nito!!
nung nasa ika-sampung istasyon na kami...
nakapansin kami ng mga grupo ng bakla na nag-iistasyon din nung mga oras na yun!!
at dahil wala kaming babasahin at mga kopya ng idadasal...
nakinig nalang kami sa mga baklang malakas naman ang pagkakabasa ng mga salita!!
kapag tapos na sila...susundan namin sila para atlis diba...hindi na kami magdadasal pa!!..hehe!!
kakaiba ang naging karanasan na iyon at dahil para yun kay Lord God...
masaya ako dahil natapos namin ang kanilang mga planu!!

No comments: