Wednesday, April 22, 2009

wed., april 22, '09 [hapi ert-dey!!]




dahil sa na-disconnect ang internet...kaya ngayon ko lang nai-post!!

...
happy 4-22!!
happy earth day!!
ngayong araw na ito...
kapayapaan dapat ang pinaiiral...kasiyahan, karunungan, kasaganahan at kalinisan ng ating mundo at bayan!!...(oha!)
masasabi kong hinahangaan ko ang aking sarili dahil naki-isa ako para sa araw na to...

malapit lang sa ilog pasig ang aming ang eskwela kung san ako nag-aaral, nilalakad lang siya patungo dun!
dun sa may bandang ayala bridge...malapit sa malakanyang!
nung unang nakita ko yung ilog na yun...hindi ko pa alam na ilog yun ng pasig..hehe!! (malay ko ba?!)
ang ganda na sanang pagmasdan yung tulay...kaso kapag tumingin ka sa ilog...naku, medyo hindi na msyadong kagandahan!!
masasabi kong totoo yung mga sinasabi ng iba...madumi pala talaga yun!
nitong nakaraang linggo, nanuod ako ng "matanglawin" ni kuya Kim!
tungkol sa earthday ang episode na yun at ang ilog pasig ang "featured segment"?
eh kaya naman pala nagdudumi ang ilog, eh gawa ng mga tao na nakatira sa gilid nun...
napakadaming tirahan at dikit-dikit pa...
meron ngang huli sa aktong isang lalaki ang nagtapon ng isang plastik bag na may lamang basura!
nakakadiri nga si kuya kim eh...bumaba ba naman sa bangka at nakipag sabayan sa mga basura sa ilog!!...
ngayon ko lang din nalaman, na napakahaba pala ng ilog na yun...as in, HAAAAAABBAAA! hehe!
pero may pag-asa pa daw malinis ang ilog na yun!!
basta maki-isa lang kayo...hehe!
bahala kayo sa buhay niyo... basta ako, naki-isa nah!! kayo nalang hindi!
ganito lang gawin niyo... i text nyo lang ang GIVE(space)ILOG...tapus, i send nyo sa 231 para sa Smart o kaya 2366 para sa Globe!!...o diba!!

...
summer ngayon!
teka...muka pa bang summer ngayon?!
eh sunud-sunod na ang pag-ulan...pakiramdam nyo ba summer pa?!
parang nasa buwan na nga tayo ng hunyo eh!!
hindi tuloy natuloy ang obernayt suwiming namin!!
dahil sa pag-ulan na yan...??

No comments: