Sunday, April 5, 2009

maluphet na astig!! 38 (semana santa!)

...
kamusta naman?!
bakasyon ko na...
di ko pa alam kung anung balak ko!!
sa ngayon...nagtiyatiyaga akong tumambay sa luob ng makulit kong kwarto...hehe!!
ang kwarto kong punung-puno ng pangalan ko kasama ang malupit kong radyo na inarbor ko pa sa lola ko!! haha!! kontento na kong mapakinggang ang istasyon na paborito ko!!
(background bed: poker face (live!) ni Lady GaGa!)
pero masaya ako kasi medyo masarap ang buhay ko sa luob ng bahay namin!!
late gumising, kain, nuod sa t.v, tulog, tambay sa labas, kain ulit...ayun!!
naglilinis din naman ako kahit papano!!
balak ng lola ko na umuwi ng probinsya...balak ko din sumama! kaso medyo nagdadalawang isip ako sa kadahilanang puro matatanda na yung makakasama ko sa lugar na yun at sigurado akong hindi ako malilibang!!
(note: puro matatandang dalaga sila!)
ayaw kasi nilang mawala yung ipinagmamalaki nilang apilyedo na namana pa nila sa tatay nila...kaya ayun!!
pero nagtatalo parin yung mga salita na pumapasok sa isip ko na gusto kong pumunta sa lugar na yun sa kadahilanang, ngayon nalang ulit ako makakatuntong dun!!
nasa ika-anim na baitang palang ako nun nung ako'y huling nakadalaw dun!!
nagbakasyon ako sa luob ng higit dalawang buwan!
at muntik pa akong hindi makapag eksam kasi nasarapan ako sa lugar na yun at ayaw ko ng umuwi!..haha!! eksam para makapasok ako sa unang taon ko sa hayskul!!
...
semana santa nah...
anu pa ba?!
mawawalan nanaman ng mga regular na palabas sa mga nangungunang istasyon sa telebisyon!
(pwera nalang kung may "cable kayo!)
pati mga magagandang tunog at musika sa mga istasyon ng radyo!
bawal nanaman ang karne...magtiyatiyaga nanaman kami sa gulay at isda...
walang pasok ang tatay ko...kompleto nanaman kami sa bahay...
malungkot...tahimik...
kasi maiisip ko nanaman yung mga kasalanan ko!!
haaay...

No comments: