Monday, June 8, 2009

astig na maluphet!! 41 (habang tumatagal...nakakayamot!)

Isang malupet na pagkabugnot ang aking patuloy na kinakaharap sa kasalukuyan at tuloy tuloy talaga.! Ibang klaseng pagkayamot ang aking patuloy na mararanasan na magpapa-irita sa aking kaisipan dahil madadagdagan pa ito ng bonggang bongga!. kelangan ko sigurong bawasan ang aking "bangs" na patuloy na humahaba.
sa luob ng walumpu't isang araw na bakasyon, siguro'y naka isang libong beses na kong tumitingin sa aming salamin; sa sala, sa kwarto at sa banyo!

sa ngayon, karamihan ng mga paaralan ay may pasok na...at halos lahat ng mga estudyante ay nilalasap ang kasiyahan dahil may alawans na silang natatanggap muli!
ngunit ako, maghihintay pa ng labing apat na araw para marating ang kasiyahan na yon.
at dahil sa nabubugnot na ko..nakagawa ako ng listahan!

eto ang kinalabasan...

sampung "signs" na ikaw ay walang magawa!

1.pinagtitripan ang buntis na pusa na blondy at may haylayts na puti ang buhok!

2.hinahalukay ang mga bagay na di naman dapat halukayin na pinakatago-tago pa ng iyong nanay!

3.nanunuod ng totoy bato at pinagtya-tiyagaan ang mga boring na komersyal!

4.gino-google ang sariling blog, at papalit-palit ng bakrawnd sa prendster ngunit pipiliin parin ang dating bakrawnd!

5.nangangarap na sana siya yung umaawit ng awitin na "Mad World" na niremake ni Adam Lambert!

6.nagtya-tiyagang basahin ang mga kowts sa drafts at archieves kahit apatnapung beses na paulit-ulit na itong nabasa!

7.kumukupit ng pagkain sa sariling sari-sari store!!

8.sinasayang ang tinta ng panulat at pahina ng kwaderno sa pagsulat ng kung ano ang iaapdeyt sa blog!

9.paulit-ulit na binabasa ang mga apdeyt sa blog, lalu na yung komento!!

10.nakikitawa sa mga entry sa "TOP TEN" nila chico at dellamar!


di ko akalain na halos lahat ng naitala ko sa listahan ay nagagawa ko sa luob ng bente kwatro oras!
sabi ng nanay ko, madaming pwedeng gawin...
pero mas magiging masaya ako kung matatapos kung gawin yung nais ko talagang gawin...hindi yung nais nilang gawain ang gawin ko!!

ay AMBOT!!


ayos...
habang tumatagal...padami ng padami na ang mga bumibisita sa blog na to!! padagdag naman ng padaghdag ang mga "hits" sa aking "hit counter" haha...
naka pitong daan na kagad ako sa luob lang ng halos dalawang buwan lamang!!
hehe...wala lang! ü

No comments: