kahapon!
...
ang eksaytment, napunta lang sa sakit ng ulo't binti! Dalawang oras lang kakapila ang naranasan namin sa unang pasukan, huli na nga sa pagsisimula ng klase, pati ba naman sa mga lessons eh mahuhuli parin kami! Dahil lang sa pagpila para maranasan kung anung pakiramdam kapag tinutukan ka sa tenga ng isang "thermal scanner" at matatakan sa kamay! Syempre hindi lang dahil dun, para malaman din kung karapat dapat kabang papasukin sa klinik ng eskwelahan kung kakitaan ka ng napakandang sintomas H1N1. Hay, nasa tamang linis ng katawan lang naman yan eh...ligo araw araw lang ang katapat nyan! Buti pa yung gwardiya, naka "face mask" natalo pa kaming mga estudyante pati yung mga doktor. (kamusta naman?)
imbes na magkaron kami ng pinaka unang atendans sa unang asignatura para sa unang semester sa unang araw ng pasukan, kaso naudlot dahil lang dun!
todo eport pa naman ako para maunahan ang nanay kong magising ng maaga...kabi-kabilang alarm clock ang nasa ulohan ko, masulit man lang yung pagiging eksayted ko! Ang haba ba naman ng bakasyon eh..haay!
pero naiintindihan ko ang kagustuhan nilang mapangalagaan ang mga estudyanteng may bakas ng pangalan ng eskwelahan na yun...
ang di ko naman maintindihan eh yung mga gwardiyang walang pakealam sa pila na nagaganap sa labas ng geyt, basta naka "face mask" lang sila, masaya na sila dun! Hay naku! Pati yung mga estudyanteng walang konsiderasyon...todo singgit makapasok lang! (nakakahiya naman sa kanila) Buti nalang may konsern na magulang na iniligtas kami sa kapahamakan laban dun sa mga estudyanteng walang konsiderasyon! Ang magulang na tagapagligtas namin, na nagmistulang "armored soldier" na may hawak hawak na pinaka matinding shotgun! haha!
ibang kase...naalala ko pa yung paborito nyang linya..."wag kayong magpapasinggit ha"! kawawa naman kayo"!...haaay! ang swerte ng anak nun!
(adik!)
No comments:
Post a Comment