...
isang magandang araw...
kahit ayaw makisama ng ilan sa mga ulap, nakapaluob parin dito ang pakikisama ni haring araw. Kahit papano'y nakahinga ang mga bulaklak at halaman mula sa pagkalunod gawa ng madalas na pagbuhos ng tubig mula sa langit! Nakitaan ko nanaman ng mga maraming trip tumambay ang tapat ng aming tahanan at munting tindahan.
Samantalang ako, eto...hindi pa rin nakakarekober mula sa pagkakaupo ko sa "hot seat", walang seatbelt e..kaya kasalukuyan ko paring iniinda ang sakit ng "gums" ko...salamat sa aking dentista na si doktora...ahmm...ah basta doktor sya at sigurado akong dentista yun!! nyahahah!! nakalimutan ko yung pagkatao nya..kasi naman, ibang klaseng pagturok ang ginawa niya sakin. hehe!
eto't kasalukuyan akong nagmamaliw sa saliw ng awitin ni Taylor Swift, dahil yun ang kasalukuyang naka-play sa radio show ni Hazel at ang bagong pleymeyt na si Sarah!
Sa luob ng humigit kumulang na animnapung oras ay magbabalik eskwela na ko at opisyal ng magsisimula ang regular na klase. tama,isa nga ang eskwelahan na pinapasukan ko ang napabilang sa mahabang bakasyon! langya na unibersidad na yan! At syempre, tulad parin ng dati, pagpasok ng propesor sa luob ng silid aralan...magpapasulat sya sa isang 1/4 sheet ng yellow paper ng buong pangalan, edad, araw ng kapanganakan, kumpletong tirahan, pangalan at trabaho ng mga magulang at numero kung san pwedeng makontak! At syempre, makakasalamuha ko nanaman ang... da "campus crush", da "hot chick", da "class president", da "cheer leader", da "clown", da "nerd", da "straight A student" at kung sinu-sino pang may class thug sa iskul!
ngayong nasa ikalawang taon na ko sa kolehiyo, anu-ano naman kayang mga bago ang mararanasan ko??

samantala...
malapit ko ng mawakasan ang bagong libro ni Bob Ong at masasabi kong nakaka-aliw siya basahin! Kay Rogelio at Bok-Bok pa lang maaaliw kana. Mautuwa ka kung sino si Kapitan Sino at kung bakit Kapitan Sino ang pangalan nya bilang superhero. At ibang klaseng adbentyur ang mababasa mo at sana maintindihan mo! hehe!!
No comments:
Post a Comment