...
happy 0628!
para sa mga may kaarawan ngayon, happy birthday!
para sa mga nanunuod, happy viewing!
para sa mga nakikinig, happy listening!
para sa mga nagbabasa, happy reading!
at para sa BLOG ko...HAPPY 100th POST!!
(ang wirdo!) haha!!
Kahapon, araw ng P.E. namen, nakita ko nanaman ang mga taong namiss ko. Ibang klase, nakakamiss talaga sila.(hindi lang halata!) Naka-usap at nakadaldalan ko ulit sila.
Napahiwalay na sila samen, nawala na ang mga malalandi sa paligid naming dalawa ni maykel. Ewan ko ba, napakasaya ko kahapon...hanggang ngayon nadarama ko pa yung kasiyahan na yon! ganito ako kababaw. dahilan kung bakit ako sinipag mag-GM...pati other network pinadaanan ko! Minsan ko nalang sila makita, baka nga tuwing sabado nalang eh!! tapos tatlong oras lang.
Kakaiba talaga yung araw kahapon...bukod sa nakita ko sila, naalala ko pa yung karumal dumal na pangyayaring naranasan ko nung unang araw ng P.E. namen.
REWIND......(one year ago!)
umaga ng sabado, alas-otso ang P.E. namen...naleyt ako ng kalahating oras, nung sumilip ako sa quadrangle ng iskul kung san ginaganap ang P.E. at nagsisimula na sila. Natakot akong pumasok, kasi tapos ng pumila yung set kung san ako napapabilang! Ang ginawa ko, dumiskarte akong tumakas at magtago sa propesor namen, sa hindi inaasahang pangyayari...hindi ako nakaligtas at walang superhero na dumating nung mga oras na yun...ipinahamak pa ko ng mga kapwa ko estudyante! Pagkatapos kong mahuli, pinatayo kami sa harap ng lahat ng mga 1st year students na naka iskedyul nung mga panahon na yun!, siyempre hindi ako nag-iisa, madami kami at halos lahat ng nahuli ka-set ko! at proud ako kasi nagpahamak din ako ng isang estudyante..na ka-set ko din!! ahaha! (abnormal!)
jahe na ang mga susunod na pangyayari!! ayoko ng ikwento!
yun ang karumaldumal na pangyayari saken!
lesson learned:
wag nang mag-bangs!! ahahaha...
ito ang para sa ika 100th post ko!!
kongrats ellah!...
ambabaw talaga!!
No comments:
Post a Comment