Friday, July 24, 2009

maluphet na astig!! 47 [maligayang isang taon!!]


...
So, nasa ika-tatlong daan at animnaput-limang araw na ko ng aking pagsusulat sa napaka simpleng Blog na to! Sakto ngayong petsa, naisipan kong magsulat ng mga bagay na walang kwenta. Kung gusto niyo mabasa ang pinaka una kong akda...(just view the oldest post!)
"Blog cu dito"! Sa naalala ko, eto yung unang pamagat ng talaan ko ng mga akda. At siyempre, sa una, naging masipag akong magtala ng kung anu-ano...pero sa katagalan eh, bigla akong tinamad! Isang buwan o higit pa ako magsulat pagkatapos ng huli kong akda. Ganun ako dati! (eh bakit bah?) Ngayon...kung anu ang maisipan kong itala...itatala ko! Kung anu maisipan kong ilagay, ilalagay ko! may mai-post lang!! haha! Para diba, kunyari aktib...hehe!!
Naka apat na palit na din ako ng pamagat ng Blog na to...senyales na wala akong magawa. Pero atlis diba sa luob ng isang taon, apat na palit lang ang nagawa ko...para kunyari ulit aktib sa pagsusulat!! hahaha
Natutuwa naman ako, dahil kahit konti lang ang nagkokomento sa mga itinatala ko, marami pa din ang mga nagtiyatiyagang basahin ang mga akdang itinatala ko...haaay!!

At dahil nga isang taon na to...Kung anu-ano nanaman ang mga naiisip ko!!

katulad nito:

Mga dahilan kung bakit nagba-Blog!!

-kasi problemado, at walang tao na mapag sabihan ng sama ng luob mo...mapagtyatyagaan na din tong Blog na to, atlis marami pang makakabasa ng problema mo!

-kasi gusto mung mapansin at kapag gusto mung dumami ang mga "virtual" friends mo...ipagkalat mo ung account ng Blog mo.(post mo sa bullettin, o kaya shoutout, o kaya naman i-share mo sa facebook!) ayun!

-kasi nagsasawa kana sa prenster! At gusto mo, iba naman ang pagkaabalahan mo na mas eksayting at nakakatuwa!

-kasi naiingit ka, yung aydol mo kasi may blog, nainspayr ka, kaya gumawa ka ng akawnt ng blog! Para pereho na kayong may Blog!! oha!

-kasi baka sakaling manomineyt ang Blog mo sa "Philippine Blog Awards" naks! (antaas mangarap!)

-kasi para "in" ka...halos lahat kasi may Blog, tapos ikaw nalang wala! ahehe!





So, ayun nga!!
haay...ang adik talaga!
Naka isang libong "hit points" na din ako sa luob lang ng apat na buwan, kaya nakakatuwa talaga! Kahit konting komento lang, madami namang nagbabasa!!

"thanks for reading"!!



Tuesday, July 21, 2009

Sony’s rumoured PSP series ..

ang luphet nito...astig!!!
bagong model ng PSP...




pag nakabili na kayo...peram ha!!
hahah!!

Monday, July 20, 2009

si Lola Techie....

...
nakakatawa to...sigurado ako yung iba sa inyo eh napanuod na ang ilan sa bersyon ni Lola Techie!
pero sa mga hindi pa...haha!!
ipinakikilala ko sa inyo si Lola Techie....
(tadaaannn!!!)




oh diba...galit si lola sa mga abangers sa counter strikes!!

CORNY LINES...

BANAT NI BOY KAY GIRL

Two students ang naiwan sa classroom

girl: bakit ka nakatitig sa nameplate ko?
boy: inantay ko kasi malipat ung apelyido ko eh.

Sa Isang Art Class

boy: (tumayo patungo sa crush niya) excuse me, can you paint my love?
girl: eh di ba may brush ka naman?
boy: (parang nasupalpal sa sinabi ng babae, nakaisip ng ibang paraan) (binali ang brush niya sabay banat) ayan sira na brush ko, can you paint my love now?

Sa class reunion

girl: (taas noong nilapitan ang bestfriend at crush niya nung highskul dahil sexy at maganda na siya ngaun) pano ba yan sexy at maganda na ko ngayon, siguro naman maiinlove ka na sakin?
boy: nagpapatawa ka ba?
girl: kainis to ginawa ko na nga lahat tapos tatawanan mo lang ako.
boy: eh pano, noon pa naman mahal na kita, may paganyan ganyan ka pa.

pag nadulas ka sa harap ng crush mo…
ang the best na palusot:

“see how i fall for you?”

boy: ‘kala ko ba malakas instinct ng mga girls.
girl: syempre naman, madali kaming makaramdam kung may nangyayari na.
boy: ganun? eh bakit di mo nararamdaman na mahal na kita?

boy: pwede mo ba ko tulungan? naliligaw na kasi ako eh.
girl: bakit san mo ba balak pumunta?
boy: sa daan na didiretso sa piling mo.

boy: alam mo isa na lang ang kulang sa buhay mo.
girl: pano mo naman nasabi yan?
boy: simple lang. hindi pa kasi tayo eh.

boy: kaya pala walang bituin sa langit eh…
girl: huh? bakit naman?
boy: nandito ka kasi….

Girl(Getting Irritated): Ano ba kasi hinahanap mo? Tagal na nating umiikot e. La pa rin ba?
Boy: Di ko nga rin alam e. Basta pag nakita ko lam ko, yun na yun. Parang ikaw, nung una kitang nakita lam ko ikaw na.

boy: teacher ka ba?
girl: sorry hindi, bakit naman pumasok sa isip mo yan?
boy: uhm, wala lang, tinuruan mo kasi akong magmahal.

boy: ate nakakaawa ka naman. hindi ka ba nalulungkot?
girl: hindi naman, bakit mo naitanong yan?
boy: kasi nagiisa ka lang sa puso ko.

boy: are you diabetic?
girl: hindi naman.
boy: [nakahinga ng malalim] hay buti naman.
girl: bakit may problema ba?
boy: wala lang. I’m just planning to be the sweetest person for you.

boy: i never thought i’ll love someone this much.
gil: so do i. you’re the reason my eyes glitter in happiness
boy: glitter? wow english, pa-cheese burger ka naman. burger, burger, burger.

FOR LOVERS

GF na selosa: napakadami mong babae! Sabihin mo nga sa akin, sino ba talaga ang laman ng puso mo?
BF: Malay ko, kaw laging may dala eh…

GF: HOY! Bakit 1/100 ka lang sa exam????
BF: Ikaw lang kasi ang TAMA sa buhay ko…

a sweet fight

GF: ayoko na talaga! dadalhin ko na lahat ng sa’kin. hindi na ko babalik! [paglabas ni gf sa pinto]
BF: hoy! babae! may nakalimutan ka!
GF: ano?
BF: hindi ano! AKO!

BANAT NG CORNY

Babae: ilan ba planeta sa mundo
lalake: dalawa lng alam ko eh
babae: bket dalawa lng?
lalake: because its you and me…against the world…

bf: ang init no?
gf: oo nga eh, buti na lang andito ka?
bf: bakit naman?
gf: para ka kasing soft cooling breeze.

boy: [nahihiya]
girl: may nangyayari ba sayo?
boy: wala naman.. kasi nung nakita kita parang pringles na yung tibok ng puso ko.
girl: bakit naman pringles?
boy: kasi nung nakita kita, it popped and now it won’t stop.

SI GIRL NAMAN ANG BUMANAT KAY BOY

Girl: excuse me. may relo ka ba?
Boy: oo, bakit, magtatanong ka ba kung anong oras na?
Girl: hindi, itatanong ko lang kelan mo ko liligawan.

Pano kung makasabay mo sa elevator ang crush mo (kayo lang dalawa) at ito ang maririnig mo:

Girl: nakakainis naman. Ang bagal.
Boy: (siyempre sasagot ka? habang pinagpapawisan) oo nga ang bagal ng elevator no?
Girl: hindi. ikaw! ang bagal mo kasing dumiskarte.

Girl: alam mo kamuka mo pangatlong BF ko…
Boy: bakit? ilan na ba naging BF mo?
Girl: dalawa…

GIRL: marunong kbang magduplicate ng susi ?
papagawa sana ako sayo ng kopya
para mkapasok din ako sa puso mo..

The Sequel:

GIRL: marunong kbang magduplicate ng susi ?
papagawa sana ako sayo ng kopya
para mkapasok din ako sa puso mo..
BOY: wala nmang susi ang puso e.. palaging BUKAS ‘to para sayo..

kung ganito ba naman ang babae na magpapatigil sayo sa pag inom ng alak: [maiinlove ka talaga]
=========================================
girl: umiinom ka na naman.
boy: eh gusto kong tamaan para makalimutan siya.
girl: aanhin mo pa ang alak eh kung sakin palang tinatamaan ka na

Girl: hoy, ano ba! nakakainis ka na!
Boy: huh? bakit? inaano ba kita?
Girl: un nga eh wala kang ginagawa!
Boy: kaya nga wala akong ginagawa tapos naasar ka. bakit ba?
Girl: eh kasi mahal na kita. ano? manliligaw ka ba?

BANAT NG THIRD SEX

may dalawang lalake…
———————–
unang lalake: pare bakit hangang ngaun wala ka pang GF? tingnan mo ako nakakailan na…
pangalawang lalake: hindi pare…manhid ka lang eh…

BF: hindi na matutuloy kasal natin.
GF: huh!? bakit naman?
BF: kuya mo kasi eh…
GF: hindi noh.gusto ka kaya ng kuya ko…
BF: un na nga eh… gusto ko din siya…

BANAT NG MAPANG-ASAR

Boy: alam mo ba na special ka?
Girl: talaga? gaano ka special?
Boy: parang special child.

EWWWW NA BANAT!

Boy: alam mo simula nung makilala kita para ka nang tututli.
Girl: tutuli? bakit mo naman nasabi yan aber?
Boy: wala naman, hindi na kasi matanggal ung pangalan mo sa tenga ko.

ITO ANG ‘DA BEST BANAT KO SA ISANG CLOSE FRIEND NA GIRL

Me: Alam mo, ikaw ang pangalawa sa pinakamagandang girl na nakilala ko.
Friend (Girl): Eh sino naman yung una, aber?
Me: Ikaw! Pagnakangiti ka




source: yhen1027.wordpress.com

Saturday, July 18, 2009

astig na maluphet!! 46(NAASCU '09)

...
waaaaah...Natalo kami sa Centro Escolar ng dalawang puntos lang!! malas!!

Sa pagbubukas na season nine ng NAASCU!! (National Athletic Association of Schools, Colleges and Universities) na ginanap sa Cuneta Astrodome!
parang nangyari ulit ang mga pangyayari last year...
Pero bago pa ang mga pangyayaring yun...at bago pa kami makapasok sa luob ang Astrodome, walanjo...ang gugulo ng mga estudyante! parang mauubusan ng pila, ako naman at ang mga kasamahan ko, nakikipagsiksikan din. Natatawa nalang ako, para akong nasa ilalim ng tubig na inaalon...ang sitwasyon naman saken, ang katawan ng mga estudyante ang nagsilbing tubig!! hehe!
Ngaun ko lang naransan ang sitwasyong ganun...nagsisiksikan para makapasok sa isang dipang sukat ng pila na dalawang linya lang ang pwede!...Nakaka-inis na mainit, maingay na nakakatuwa, pero sa huli...masaya!
Nang nakapasok na kami, dalawang beses pa kami umikot sa hagdan para mahanap ang tama naming dapat kalagyan!! haha!

Ang opening ceremony ang nagsilbing tanghalian namin...
Ayos...kahit wala kang baon, hindi ka magugutom kapag may kasama ka!! haha
pero kahit papano may baon naman akong dalawang malaking bars ng tsokolate...
At syempre mabait ako kaya ibinahagi ko yun! Nakakatuwa kasi kung sino man ang maglabas ng pagkain...kelangan nyang iikot to sa lahat, kelangan lahat makatikim!...kaya hindi ka magugutom!! haha
Kaya hindi ako makapaniwalang chichirya lang ang kinain ko sa buong araw na yun!! Nakaramdam nalang ako ng gutom nung mga oras na naglalakad kami pabalik ng iskul!
At siyempre, dating gawi ang lahat ng iskul....palakasan ng sigaw at ingay sa tuwing mababanggit ang kanilang eskwelahan!!
at kahit kelan naman, walang makakatalo sa UM!! haha
mas maingay kami...
At syempre ako...hindi magpapatalo sa ingayan at sigawan!! ako pah!!
with matching t-shirt bilang props!!

May nauna pang laban bago ang labanan ng eskwelahan namin at ng Centro Escolar University...Ang San Sebastian de Cavite at ang Lyceum!
Kumpleto sa banda ang San Sebastian...pati props!
Lamang ang SSB nung buong first half...pagdating ng third period, nasabotahe ang laro ng dalawang team...takte yan, nag-blockout! ang buong court nawalan ng kuryente...paglipas ng ilang minuto, nagbalik sa date ang lahat at nanaig sa laban ang San Sebastian!

Ayun...ang kwento naman sa labanang Cento Escolar University at ang University of Manila!
Ang UM, Kumpleto ang banda, mula wind instruments, cymbals at drums...

pinaka marami ang croud ng UM...syempre, every year naman eh...ang CEU kupleto din sa banda, pati cheerers! with black t-shirt.
May tatlong camera man...kaso sayang hindi kami pinadaanan ng kamera...hehe
Unang period, lamang UM...ganun din sa buong first half!...
pero pagdating ng second half, minalas ang UM...tinambakan ng CEU ng higit sa sampung puntos...pagdating naman ng fourth period, at maynatitira pang dalawang minuto...nawawalan na ng pag-asa...lamang ang CEU ng siyam na puntos...ginanahan ang mga players ng UM...humabol hanggang labing dalawang segundo, kaso hindi parin nagtagumpay!
Talo parin...dalawang puntos ang lamang!
kung hindi lang na-injured ang best player ng UM...panalo sana kami!! sayang!!
Umuwi nanaman kaming luhaan...katulad last year!!
dibale, nxt year sa opening....di na ko manunuod! baka sakaling manalo na sila!! hahaha...lagi nalang!!!

Wednesday, July 15, 2009

Worst Things To Say After Someone Tells You, “I Love You…”

  1. “Alam ba ‘to ng asawa mo?”
  2. “Ano, sex nanaman!?!”
  3. “I love you too…charing!”
  4. “Weh, hindi nga?”
  5. “Asus…straight daw!”
  6. “Nag-away nanaman kayo ng girlfriend mo noh?”
  7. “I used to love you too.”
  8. “If I said I loved you too, will you sleep with me?”
  9. “Don’t talk when your mouth is full.”
  10. “I know how you feel. I too, love somebody who doesn’t love me back.”
  11. “Adik!”
  12. “Sige nga, kung totoo, pengeng load…”
  13. “Patay tayo diyan…”
  14. “Anong aylabyu aylabyu ka diyan? Tuwad!”
  15. “Tapos ano? Magsasawa ka? Makakakita ka ng iba? Iiiwan mo ko? Hayup ka! Taksil!”
  16. “The feeling isn’t mutual, bitch!”
  17. “No you don’t.”
  18. “But I love her…”
  19. “Sori miss, Jollibee delivery po itong ni-dial niyo…”
  20. “I know, riiight?”
  21. “Then why do you keep breaking my heart?”
  22. “Yuck, bakla!”
  23. “Was I THAT good?”
  24. “Trulalu? Girl, I love you too! Apir!”

Monday, July 13, 2009

astig na maluphet 45 [Kadramahan 1O1]

...
Hindi ko na maalala kung kelan yung huling iyak ko ng todo na ako lang ang nakakaalam. At ngayong gabi, natikman ko na naman ang maalat na likido mula sa aking mga mata, bumara na naman ang perehong butas ng aking ilong at higit sa lahat nabasa na naman ang unan ko...
Nakadama ulit ng lungkot ang puso't isipan ko.
Para akong isang bata na inagawan ng manika, na gustong mabawi yun, ngunit wala ng ibang magawa kundi ang ngumawa! Isang bata na umasa sa isang pangakong pasalubong galing sa isang ama, pero hindi naman natupad. Bata na naka-upo sa sulok ng sala na namumula ang mga mata, singot ng singot at nakasimangot habang nanghihingi ng awa!!
Grabe, sa totoo lang etong mga segundong to...kasalukuyan parin akong nagpupunas ng luha!

Pero kahit ganun ang nangyari...nakakakita parin ako at nakakaisip ng mga bagay na angkop sa kasiyahan ko!! Mababaw lang naman ang kaligayahan ko, makakita lang ako ng taong pwede kong asarin...matutuwa na ko!! hehe...
Syempre, isa na tong "blog" ko na nakakapag-pasaya saken! Mabasa ko lang mismo yung mga tanyag kong akda...naku! wala lang...Maimahe ko lang yung ngiti ng hinahangaan ko...naku! wala lng din!

haaay...na"miss" ng mga mata ko ang mamaga!
Siguro nga ganun talaga...Intindihin nalang naten ang ating mga magulang! Hayaan nalang naten silang magdrama kapag sinimulan mu na silang tampuhan.
para masaya....

Saturday, July 11, 2009

astig na maluphet!! 44 (hey girl!)

...
eto...
halong tuwa, saya, kulit, inis at kilig!!
Tuwa dahil nasa ika-anim na lebel na ko sa "farmville"!! umaasenso! haha....Eto ang kasalukuyan kong kinatutuwaan ngayon, at ang aking nais maabot ay maabutan ang lebel ni russell na kasalukuyan kong kapit bahay ngayon sa rancho...‼(rancho daw oh)
Kung gusto nyo kong maging kapit bahay...dapat may peysbuk akawnt ka!!
Takte yan...yung ibang inimbitahan ko para maging kapit-bahay...ayaw tanggapin ang imbitasyon ko...Pero ayos lang, sa ngayon dumadami na ang mga pananim ko at lumalaki ang kita at yumayaman na ko...
Nakakatuwa kasi kahit kelangan mong maghintay ng isang araw para makita ang kinalabasan ng mga itinanim mo...mag-eenjoy ka naman kapag nai-"harvest" mo na sila...
Kahit papano, na-hahamon ako para maghintay ng ganun kahabang oras!!
Nakakatuwa talaga yung "farm" ko....bisita naman kayo!ü

Saya naman kasi...kasi...ahm...
kasi, nakita ko ulit yung mga taong namiss ko...oha!
ang nagbago lang naman...eh isang beses sa isang linggo ko nalang sila makita...ayun!!
haaayy...

Kulit...kasi kanina, mula palang nung pagpasok ko sa luob ng unibersidad, eh inaasar na nila ako!
Na lumalandi na daw ako...(ganun??)
punyetang nagbababae yan (na itatago ko sa pangalang "maykel")..Inggit na inggit talaga yun sa buhok ko...pati herban ko nipapakelaman!! haha...masama naba saken na mag-herban??? kyut naman ah!
ngayon lang ba nila akong nakitang nagpapakababae?? bakit nila ko niaasar??
kulit nila...nahawa lang naman ako sa kanila eh...kaya ganun!
nyahaha...

Inis naman ako kasi nag-ober taym kami sa edukasyong pampalakas kanina...imbes na alas-otso, lumagpas ng kalahating oras ang uwian dahil lang sa buset na sermon ni Ms.NIKE!! (si sir mabilin!)
nadamay nanaman ang inosenteng estudyanteng katulad ko...dahil sa mga estudyanteng walang konsiderasyon!! kala mo wala ng bukas para makipag-tsismisan...hehe!
ang aadik nila, ayan tuloy damay-damay kami! Sa harap ba naman ng propesor nag-da-daldalan, habang nag-che-check ng atendans at habang nagsasalita si aling dionisia...este si regan!!
edi ayan, nagtaray ang kilay ni Sir at todo pangaral at sermon ang pinakain samin!! haha!

Teka, nasa kilig na pala ako!!
Kilig naman kasi...ayieee...iba-blog ko to!! haha
Uwian na lang lahat eh biruin mu yun ?! Halos magkasabay kaming maglakad ng "crushes" ko kanina...ü
At pereho kami ng daan na tinatahak...pero napilihis sya sa dulo!! (yun lang)
Eto namang mga adik kong kaklase...tama ba namang ipagsigawan ang pangalan ko kasabay ng pangalan nya??...takte! eh panu kung malaman na nya??? di pa ko handa!! nyahaha!
Magkamag-aral pa naman kami...
haay grabe, di ko talaga inaasahan na nasa likuran ko sya kanina...astig pa ng lakad eh,,habang suot yung bakpak nya!! Sayang di ko sya kasabay paakyat ng oberpass!

waaah....

Monday, July 6, 2009

insperadong echosera!!

...
ayun! kahit papano may pagbabago!...
kahit papano nagkaruon ng ngiti sa bawat indibidwal.
nabawasan man ang kurakot na nagaganap sa pagitan ng mga estudyante at mga guro, sa kasamaang palad nananalaytay parin sa dugo't laman-luob ng ilan sa mga propesor ang ang pagiging mautak! Sa huli sila parin ang lamang...Kapag nagbigay na sila ng opsyon wala ka ng magagawa kundi ang masunod ang gusto nilang mangyari...dalawa lang naman yun eh: gagawin mo ba ang gusto nila O wala kang grado! haha...
Natawa nalang ako sa isang babaeng propesor na(walang matres!).
Hawak ang kanyang mikropono, nakaharap sa mga naka indyan-sit na estudyante at sinabi ang mga salitang tungkol sa pagbabagong naganap sa unibersidad: "kawawa naman ang mga alaga ko...wala ng pangkain!! wala na rin akong panglalaki"! ibang klase!!

pero wala na kong pake...
basta ako, inspirado ako ngayon!! oha!
nagagawa ko ng seryosohin ang mga rebyuwer ko, determinado na kong maperpek ang isang bagay...lalo na sa eksams!! nagagawa ko ng hindi kumopya. (aminado??)
inspirado akong bumawi sa nakaraaang nalihis ako...
ibang klase parin...gusto kong mapansin! mapansin ng kahit na sino...lalo na siya!! (??)

Brilliant Statements or quotes!!

1.“Before, I was indecisive. Now, I’m not so sure…”
2.“A lot of people are afraid to ask for what they want. That’s why they don’t get what they want.”
3. “Win as if you were used to it, lose as if you enjoyed it for a change.”
4. “God will take care of what you go through. You take care of how you go through it.”
5.“God gave us relatives. Thank God we can choose our friends.”
6.“There will be 2 dates on your t0mbstone, but what matters is that little dash between them.”
7.“Alam mo, dapat hindi ka naniniwala sa multo.” Friend: “Bakit naman?” Me: “Kasi, sabi ng alaga kong dwende, hindi daw sila totoo.”
8.“Always keep your words SOFT and SWEET, just in case you’ll have to eat them.”
9.Scully, frustrated with Mulder’s endless search for the truth: “You already believe Mulder, what more will proof do for you?”
10.“No matter what happened in the past, IT’S OVER. Yesterday ended last night.”
11.“Paano mo makikita yung para sa iyo, kung ayaw mong tantanan yung pinipilit mong maging para sa iyo.”
12.“There are 2 kinds of pedestrians: the quick & the dead.”
13.“Going to church doesn’t make you a Christian, any more than standing in a garage makes you a car.”
14. Michael Jordan: “You miss 100% of the shots you didn’t take.”
15.House MD: “If you talk to God, you are religous. If God talks to you, you are psychotic.”
16.“All desirable things in life are either ILLEGAL, FATTENING, OR MARRIED TO OTHERS!”
17.“Pain is inevitable, but suffering is optional.”
18.“God doesn’t believe in atheists.”
19.“Science is too young to understand God.”
20.Ray Romano: “The more I go through parenting, the more I say I owe my parents an apology.”
21.Lance Armstrong: “A boo is a lot louder than a cheer.”
22.“I know God will not give me problems I cant handle. I just wish that He didn’t trust me so much.”
23.From the Bible (Book of Sirach): “Do not envy a sinner, you do not know what his end will be.”
24.“Give the devil an inch, and he’ll be a ruler.”
25.“Loneliness is often a self-inflicted wound.”
26.From Notes on a Scandal: “It takes courage to recognize the real as opposed to the convenient.”
27.Bugs Bunny: “I like dead end signs. They have the decency to let you know you’re going nowhere.”
28.“Expecting the world to treat you fairly because you are good, is like expecting the bull not to charge because you are a vegetarian.”
29.Hubert Humphrey: “The right to be heard does not include the right to be taken seriously.”
30.“It’s easy to be a human being. It’s being human that’s hard.”
31.John Maxwell: “Life becomes easier only when we cease to think that it should be easy.”
32.Sigmund Freud: “The harder you try to forget something, the more you think about it subconsciously.”
33.”Nobody cares if you’re miserable, so you might as well be happy.”
34.Oscar Wilde: “All women become like their mothers. That is their tragedy. No man d0es. That is his.”
35.“What other people think of you is none of your business.”
36.Dalai Lama: “Our prime purpose in this life is to help others. If we cannot help them, at least don’t hurt them.”
37.“When people hurt you over and over, think of them like sandpaper. They may scratch & hurt you now, but in the end, you end up polished & they end up useless.”
38.“Courtship is request. Marriage is conquest. Divorce is inquest.”
39.“Always remember na kahit gaano man kalalim ang ilog, hanggang dibdib lang ito ng duck!”
40.John Lennon: “Time you enjoyed wasting, was not wasted.”
41.Don Miguel Ruiz: “What we call education is nothing but a domestication of the human being.”
42.from Conversations with God Book 1: “If you do not go within, you go without.”
43.Charito Solis: “There are no such things as small roles, only small actors.”
44.“Who can see the future? Those who create it.”
45.From the book, Hannibal: “The worm that destroys you is the temptation to agree with your critics; to get their approval.”
46.“Don’t stop when you’re tired, stop when you’re done.”
47. Paolo Coelho: “If something is really meant for you, the universe will conspire to make it happen.”
48.Madonna: “Poor is the man who’s pleasures depend on the permission of another.”
49.George Harrison: “I wanted to be successful, not famous.”
50.Stephen King: “God is cruel. Sometimes he makes you live.”
52.“War doesn’t determine who’s right. War determines who’s left.”
54.Mohandas Gandhi: “I like your Christ, I do not like your Christians. Your Christians are so unlike your Christ.”
55.“I think everybody should get rich and be famous and do everything he ever dreamed of, so he can realize that it’s not the answer to happiness.”