...
waaaaah...Natalo kami sa Centro Escolar ng dalawang puntos lang!! malas!!
Sa pagbubukas na season nine ng NAASCU!! (National Athletic Association of Schools, Colleges and Universities) na ginanap sa Cuneta Astrodome!
parang nangyari ulit ang mga pangyayari last year...
Pero bago pa ang mga pangyayaring yun...at bago pa kami makapasok sa luob ang Astrodome, walanjo...ang gugulo ng mga estudyante! parang mauubusan ng pila, ako naman at ang mga kasamahan ko, nakikipagsiksikan din. Natatawa nalang ako, para akong nasa ilalim ng tubig na inaalon...ang sitwasyon naman saken, ang katawan ng mga estudyante ang nagsilbing tubig!! hehe!
Ngaun ko lang naransan ang sitwasyong ganun...nagsisiksikan para makapasok sa isang dipang sukat ng pila na dalawang linya lang ang pwede!...Nakaka-inis na mainit, maingay na nakakatuwa, pero sa huli...masaya!
Nang nakapasok na kami, dalawang beses pa kami umikot sa hagdan para mahanap ang tama naming dapat kalagyan!! haha!
Ang opening ceremony ang nagsilbing tanghalian namin...
Ayos...kahit wala kang baon, hindi ka magugutom kapag may kasama ka!! haha
pero kahit papano may baon naman akong dalawang malaking bars ng tsokolate...
At syempre mabait ako kaya ibinahagi ko yun! Nakakatuwa kasi kung sino man ang maglabas ng pagkain...kelangan nyang iikot to sa lahat, kelangan lahat makatikim!...kaya hindi ka magugutom!! haha
Kaya hindi ako makapaniwalang chichirya lang ang kinain ko sa buong araw na yun!! Nakaramdam nalang ako ng gutom nung mga oras na naglalakad kami pabalik ng iskul!
At siyempre, dating gawi ang lahat ng iskul....palakasan ng sigaw at ingay sa tuwing mababanggit ang kanilang eskwelahan!!
at kahit kelan naman, walang makakatalo sa UM!! haha
mas maingay kami...
At syempre ako...hindi magpapatalo sa ingayan at sigawan!! ako pah!!
with matching t-shirt bilang props!!
May nauna pang laban bago ang labanan ng eskwelahan namin at ng Centro Escolar University...Ang San Sebastian de Cavite at ang Lyceum!
Kumpleto sa banda ang San Sebastian...pati props!
Lamang ang SSB nung buong first half...pagdating ng third period, nasabotahe ang laro ng dalawang team...takte yan, nag-blockout! ang buong court nawalan ng kuryente...paglipas ng ilang minuto, nagbalik sa date ang lahat at nanaig sa laban ang San Sebastian!
Ayun...ang kwento naman sa labanang Cento Escolar University at ang University of Manila!
Ang UM, Kumpleto ang banda, mula wind instruments, cymbals at drums...
pinaka marami ang croud ng UM...syempre, every year naman eh...ang CEU kupleto din sa banda, pati cheerers! with black t-shirt.
May tatlong camera man...kaso sayang hindi kami pinadaanan ng kamera...hehe
Unang period, lamang UM...ganun din sa buong first half!...
pero pagdating ng second half, minalas ang UM...tinambakan ng CEU ng higit sa sampung puntos...pagdating naman ng fourth period, at maynatitira pang dalawang minuto...nawawalan na ng pag-asa...lamang ang CEU ng siyam na puntos...ginanahan ang mga players ng UM...humabol hanggang labing dalawang segundo, kaso hindi parin nagtagumpay!
Talo parin...dalawang puntos ang lamang!
kung hindi lang na-injured ang best player ng UM...panalo sana kami!! sayang!!
Umuwi nanaman kaming luhaan...katulad last year!!
dibale, nxt year sa opening....di na ko manunuod! baka sakaling manalo na sila!! hahaha...lagi nalang!!!
No comments:
Post a Comment