Friday, July 24, 2009

maluphet na astig!! 47 [maligayang isang taon!!]


...
So, nasa ika-tatlong daan at animnaput-limang araw na ko ng aking pagsusulat sa napaka simpleng Blog na to! Sakto ngayong petsa, naisipan kong magsulat ng mga bagay na walang kwenta. Kung gusto niyo mabasa ang pinaka una kong akda...(just view the oldest post!)
"Blog cu dito"! Sa naalala ko, eto yung unang pamagat ng talaan ko ng mga akda. At siyempre, sa una, naging masipag akong magtala ng kung anu-ano...pero sa katagalan eh, bigla akong tinamad! Isang buwan o higit pa ako magsulat pagkatapos ng huli kong akda. Ganun ako dati! (eh bakit bah?) Ngayon...kung anu ang maisipan kong itala...itatala ko! Kung anu maisipan kong ilagay, ilalagay ko! may mai-post lang!! haha! Para diba, kunyari aktib...hehe!!
Naka apat na palit na din ako ng pamagat ng Blog na to...senyales na wala akong magawa. Pero atlis diba sa luob ng isang taon, apat na palit lang ang nagawa ko...para kunyari ulit aktib sa pagsusulat!! hahaha
Natutuwa naman ako, dahil kahit konti lang ang nagkokomento sa mga itinatala ko, marami pa din ang mga nagtiyatiyagang basahin ang mga akdang itinatala ko...haaay!!

At dahil nga isang taon na to...Kung anu-ano nanaman ang mga naiisip ko!!

katulad nito:

Mga dahilan kung bakit nagba-Blog!!

-kasi problemado, at walang tao na mapag sabihan ng sama ng luob mo...mapagtyatyagaan na din tong Blog na to, atlis marami pang makakabasa ng problema mo!

-kasi gusto mung mapansin at kapag gusto mung dumami ang mga "virtual" friends mo...ipagkalat mo ung account ng Blog mo.(post mo sa bullettin, o kaya shoutout, o kaya naman i-share mo sa facebook!) ayun!

-kasi nagsasawa kana sa prenster! At gusto mo, iba naman ang pagkaabalahan mo na mas eksayting at nakakatuwa!

-kasi naiingit ka, yung aydol mo kasi may blog, nainspayr ka, kaya gumawa ka ng akawnt ng blog! Para pereho na kayong may Blog!! oha!

-kasi baka sakaling manomineyt ang Blog mo sa "Philippine Blog Awards" naks! (antaas mangarap!)

-kasi para "in" ka...halos lahat kasi may Blog, tapos ikaw nalang wala! ahehe!





So, ayun nga!!
haay...ang adik talaga!
Naka isang libong "hit points" na din ako sa luob lang ng apat na buwan, kaya nakakatuwa talaga! Kahit konting komento lang, madami namang nagbabasa!!

"thanks for reading"!!



No comments: