Monday, July 13, 2009

astig na maluphet 45 [Kadramahan 1O1]

...
Hindi ko na maalala kung kelan yung huling iyak ko ng todo na ako lang ang nakakaalam. At ngayong gabi, natikman ko na naman ang maalat na likido mula sa aking mga mata, bumara na naman ang perehong butas ng aking ilong at higit sa lahat nabasa na naman ang unan ko...
Nakadama ulit ng lungkot ang puso't isipan ko.
Para akong isang bata na inagawan ng manika, na gustong mabawi yun, ngunit wala ng ibang magawa kundi ang ngumawa! Isang bata na umasa sa isang pangakong pasalubong galing sa isang ama, pero hindi naman natupad. Bata na naka-upo sa sulok ng sala na namumula ang mga mata, singot ng singot at nakasimangot habang nanghihingi ng awa!!
Grabe, sa totoo lang etong mga segundong to...kasalukuyan parin akong nagpupunas ng luha!

Pero kahit ganun ang nangyari...nakakakita parin ako at nakakaisip ng mga bagay na angkop sa kasiyahan ko!! Mababaw lang naman ang kaligayahan ko, makakita lang ako ng taong pwede kong asarin...matutuwa na ko!! hehe...
Syempre, isa na tong "blog" ko na nakakapag-pasaya saken! Mabasa ko lang mismo yung mga tanyag kong akda...naku! wala lang...Maimahe ko lang yung ngiti ng hinahangaan ko...naku! wala lng din!

haaay...na"miss" ng mga mata ko ang mamaga!
Siguro nga ganun talaga...Intindihin nalang naten ang ating mga magulang! Hayaan nalang naten silang magdrama kapag sinimulan mu na silang tampuhan.
para masaya....

No comments: