Saturday, July 11, 2009

astig na maluphet!! 44 (hey girl!)

...
eto...
halong tuwa, saya, kulit, inis at kilig!!
Tuwa dahil nasa ika-anim na lebel na ko sa "farmville"!! umaasenso! haha....Eto ang kasalukuyan kong kinatutuwaan ngayon, at ang aking nais maabot ay maabutan ang lebel ni russell na kasalukuyan kong kapit bahay ngayon sa rancho...‼(rancho daw oh)
Kung gusto nyo kong maging kapit bahay...dapat may peysbuk akawnt ka!!
Takte yan...yung ibang inimbitahan ko para maging kapit-bahay...ayaw tanggapin ang imbitasyon ko...Pero ayos lang, sa ngayon dumadami na ang mga pananim ko at lumalaki ang kita at yumayaman na ko...
Nakakatuwa kasi kahit kelangan mong maghintay ng isang araw para makita ang kinalabasan ng mga itinanim mo...mag-eenjoy ka naman kapag nai-"harvest" mo na sila...
Kahit papano, na-hahamon ako para maghintay ng ganun kahabang oras!!
Nakakatuwa talaga yung "farm" ko....bisita naman kayo!ü

Saya naman kasi...kasi...ahm...
kasi, nakita ko ulit yung mga taong namiss ko...oha!
ang nagbago lang naman...eh isang beses sa isang linggo ko nalang sila makita...ayun!!
haaayy...

Kulit...kasi kanina, mula palang nung pagpasok ko sa luob ng unibersidad, eh inaasar na nila ako!
Na lumalandi na daw ako...(ganun??)
punyetang nagbababae yan (na itatago ko sa pangalang "maykel")..Inggit na inggit talaga yun sa buhok ko...pati herban ko nipapakelaman!! haha...masama naba saken na mag-herban??? kyut naman ah!
ngayon lang ba nila akong nakitang nagpapakababae?? bakit nila ko niaasar??
kulit nila...nahawa lang naman ako sa kanila eh...kaya ganun!
nyahaha...

Inis naman ako kasi nag-ober taym kami sa edukasyong pampalakas kanina...imbes na alas-otso, lumagpas ng kalahating oras ang uwian dahil lang sa buset na sermon ni Ms.NIKE!! (si sir mabilin!)
nadamay nanaman ang inosenteng estudyanteng katulad ko...dahil sa mga estudyanteng walang konsiderasyon!! kala mo wala ng bukas para makipag-tsismisan...hehe!
ang aadik nila, ayan tuloy damay-damay kami! Sa harap ba naman ng propesor nag-da-daldalan, habang nag-che-check ng atendans at habang nagsasalita si aling dionisia...este si regan!!
edi ayan, nagtaray ang kilay ni Sir at todo pangaral at sermon ang pinakain samin!! haha!

Teka, nasa kilig na pala ako!!
Kilig naman kasi...ayieee...iba-blog ko to!! haha
Uwian na lang lahat eh biruin mu yun ?! Halos magkasabay kaming maglakad ng "crushes" ko kanina...ü
At pereho kami ng daan na tinatahak...pero napilihis sya sa dulo!! (yun lang)
Eto namang mga adik kong kaklase...tama ba namang ipagsigawan ang pangalan ko kasabay ng pangalan nya??...takte! eh panu kung malaman na nya??? di pa ko handa!! nyahaha!
Magkamag-aral pa naman kami...
haay grabe, di ko talaga inaasahan na nasa likuran ko sya kanina...astig pa ng lakad eh,,habang suot yung bakpak nya!! Sayang di ko sya kasabay paakyat ng oberpass!

waaah....

No comments: