"KAR-MIN [car-men]-noun, in Latin meaning "song", with altered spelling to hint karma."
Ang mag-fiance na parehong musician, yung isa ay classis rocker na magaling mag-piano at especially sa trombone na si NICK, at isang singer na mahilig sa R&B at POP music na si AMY.
Ang bago kong kinaaaliwan na musician. Nautuwa ko sa mga kantang kino-cover nila, iba siguro talaga kapag cover o revive eh, mas maganda pakinggan, magaling...para sakin. At syempre, matindi mag-RAP. Para sa kanila, ang pagiging simple ang susi sa kanilang musika. Bukod sa mga cover songs nila, meron din silang mga original songs.
Heto't muli nanaman akong iimbento ng entry...
Sa layo ng pagitan mula nung huling entry, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Masyadong marami ang nangyari saken ngayon bakasyon kaya naman, sa oras na 11:21pm eto ang pumasok sa isip kong pang-update..
Maraming nakaLine-up na kapana-panabik na movies simula ngayong midyear, at ang tanging hiling ko lang ay mapanuod ko yun lahat sa loob ng movie house.
Tulad nalang ng GREEN LANTERN. Isang superhero movie.
MONTE CARLO. Action, comedy, romance movie na pinagbibidahan ng Another Cinderella Story star na si Selena Gomez na jowa din ni J.Bieber.
Crawling in my skin.. these wounds, they will not heal. Fear is how I fall... confusing what is real. \m/
ruma-rak en roL!
banat!
Natapos din ang lahat. Balik na ko sa dating maghapong tambay sa bahay. Yeeeees!! Tapos na ang OJT ko. Praise God! :)
Bukas ang simula ng tradisyong namiss ko, for real! kahit sa simula lang nakakaeksayt tumambay maghapon sa bahay, ayos lang. ang importante, PAHINGA! haaay! :D
at wala na kong masabe pa tungkol dito. :)
Mahigit dalawang buwan nalang, kaarawan ko nanaman. Nakakinis mang sabihin pero bente anyos na ko. aw! Gusto kong pigilan ang panahon ngunit hindi naman pwede. Wala eh, naninirahan ako sa mundong umiikot ng bente kwatro oras, pitong beses sa isang linggo.
Dahil malapit na ang kaarawan ko, ngayon palang alam ko na kung ano ang gusto kong birthday wish...
Ang magkaroon at tumugtog ng gitara. Noon pa man gusto ko ng magpatugtog, kaso napipigilan ako ng kadahilanang wala akong sariling gitara. Mahirap naman kasing mag-aral mag-isa ng walang sariling gamit o mahihiraman man lang. dibuh?
oh ayan, kung sino man ang makabasa neto.. alam nyo na kung ano ireregalo nyo saken. muahahaha! :))))))) lulz! biro lang.
Teka, malipat ako dito.
Napanuod nyo naba yung Crazy Little Thing Called Love?
eto oh..
Yan...
Ewan ko ah, pero sobrang ang kyut ng istorya.
Nakakatuwa, nakakakilig, nakakaaning, nakakabitin.
Natuwa ako kay Nam at Shone, lalo na dun sa teacher nila. haha!
eh basta, panoorin nyo nalang. eto yung trailer oh....
Huwell... Yun padin naman ang kwento, nagpapatuloy lang ang struggle, lumalaban, pumapalag, naglalakas loob at nananalangin. Pero konting konti nalang, malapit na kong pumetiks. Malalanghap ko na ang tunay na pahinga. Ang tagumpay sa kabila ng abalang buhay. Tapos na ko sa mga pagsusumamo ko sa mga asignaturang binigyan ko ng importansya ngayong summer, ngayon naman eh tututukan ko ng konsentrasyon ang OJT. (charot) :)
a.Hay, wala akong masabe..ay meron pala. Ngayong tapos ang summer classes ko, mabuhay na sana ko ng maaliwalas, wala sanang pressure, wala sanang kade-depressan, wala sanang maging problema. (tungkol sa OJT) So far naman mabait parin ang pagkakataon saken, mababait ang tao sa paligid, laging nakangiti, pandagdag ng pwersang masaya.
b. Tapos na ang Finals / Departmental exam na galing mismo sa office of the president ang lahat ng topic ng exam. Nainis lang ako ng bahagya dahil yung binigay na topic ng office eh walang wala sa kung ano yung topic na tinuro samin, edi wala akong naisagot sa test paper, buti nalang may multiple choice edi nakapanghula ko ng sagot kahit papano. Pero nawala din yung inis ko matapos kong iwanan ng "notes" yung test paper. Sana naman umubra lahat ng sinulat ko ng maawa sila kahit papano. badtrip lang eh, halos lahat ng subject na kinuha ko ganon, panigurado bagsak ako. nakakapanghinayang yung mga pinaghirapan ko.
c. Hindi ko na alam kung ilang araw ang ginugol ko sa pag-aaral ngayong summer, basta nakaraos na ko, ok na saken. Sa ngayon, ayoko munang isipin kung ano ang magiging grado ko ngayong nagtapos na ang final exam sa tatlo kong subject na sinammer. (na alam ko naman na dapat akong mag-alala) Eh basta! gusto ko lang magrelax, mag-enjoy sa OJT, ngitian ang ibang tao at magpasalamat sa walang sawang positive energy.
d. Etong summer na to ang maituturing kong pinaka-abalang summer sa buhay ko. Panibagong ekspiryens na den kahit papano. Summer kung saan pinagsabay ang summer classes at OJT, araw araw gumigising ng alas-singko ng umaga para maghanda ng babaunin, at mag-isip ng mga bagay bagay para lang mapabilis ang oras. Bumabyahe mula commonwealth hanggang morayta, umaakyat ng overpass, naglalakad hanggang MV Delos Santos, tuwing martes at huwebes. Sumasakay naman ng "cubao, kamuning, arayat", bumababa ng v-luna, naglalakad ng konti papuntang LRA tapos liko sa kanan papuntang central office ng PAO , tuwing M-W-F. Yan ang epikong pakikipagsapalaran ng buhay ko mula lunes hanggang biyernes. Hindi gaya ng dating summer na nasa bahay lang at nabubugnot, nagaantay ng may magaaya ng gala, at pumunta kung saan para magbakasyon.
Ngayon palang alam ko na ang dapat kong matutunan bago pa man matapos lahat ng pinagkakaabalahan ko. Saglitang pag-aantay nalang, makakapagpuyat na ulit ako! haha! :D
kung mabasa mo man to... ibig sabihin, natapos mo! galing! :D
oooh! Ang reyalidad nga naman ng buhay ay iba sa mga academic subjects sa eskwela. Hindi ito simpleng paggawa ng limang talata na essay, pag-calculate ng mga solving problems o pag-eeksperimento ng mga living o non-living things. Pero sakop ang mga ito ng reyalidad at pwede silang gamitin para ilahad ang mga saloobin, bilang mas malalim na pagpapaliwanag sa reyalidad ng buhay na kinakaharap mo. nakuha mo ba? hindi? ayos lang yan... pumapasakalye lang ako! :)
Spotlight - Jenifer Hudson Mp3
wirdo:Eto yun eh, nitong mga nakaraang araw, may kung anong pwersa ng kawirduhan ang pumapasok sa isip ko, yung tipong nakakapraning tungkol sa buhay, kamatayan, ikalawang buhay, at buhay na walang hanggan. Tapos sinasabayan pa ng takot at problema, takot at problemang hindi ko maaaring ilahad sa tekstong ito. Kahit sabihing madami akong ginagawa o puro kakwelahan ang nasa paligid ko, hindi ko mapigilang huminto, mag-isip at matulala. ah basta...wala eh, wala akong masyadong masabi ukol dito. wirdo eh.
hmmm...
forever?:hmm.. Hindi ko dapat iba-blog to eh, kasalanan nung mga taong nakabasa na at tumutol sa naisulat ko sa isang papel. Naniniwala ba kayong walang pagkakaibigan na tumatagal habang buhay? Ang mga magkakaibigan sa eskwela ay hanggang sa eskwela lang? Hindi ko naman sinabi na totoo yan, pero pumasok lang sa isip ko na kapag nagsipag-graduate na ang mga nagturingan na magkakaibigan, magkakalimutan na ng unti-unti, yung tipong abala na ang lahat sa paghahanap ng trabaho, tapos kapag nagkatrabaho na, abala na sa pagtatrabaho, tapos abala na din sa mga bagong kaibigan o officemates, oh diba... Ang tanging komunikasyon nalang nila ay ang a.k.a. "FB". haay.. Pero depende nga kasi sa sitwasyon, kung napagdesisyunan nyo na tumambay habang buhay edi hindi totoo yung sinasabi ko. :) hehe!
OJT:Naka-limang araw na ko so nakaka-40 hours na den. :) Habang tumatagal madami akong natututunan, madaming nakikilala at nakakakulitan. Meron na kong kabatuhan ng jokes. Pero may oras na kapag may binitawan akong joke eh hindi nila nagegets... dyahe at ang hirap nun. haha!! Nagpapasalamat ako dahil hindi ako nawawalan ng positive energy, at nakakayanan ko ang anumang hamon ng OJT. :)
summer class:Kakatapos lang ng midterm exam, at simula na ng finals... ika nga ng mga professors ko, konting tiis nalang, makakapag-pahinga na kami pare-pareho. Hindi pa naman ako nahihirapan sa ngayon, pero konti nalang iiyak na ko! hahah! :D
ano nga ba yon?:Ganun ba talaga kapag sobrang dami ng iniisip? madaming ideya ang pumapasok sa isip, sa sobrang dami ng ideyang yon, akala mo maiimbak mong lahat sa isip mo, pero kalaunan kapag kelangan mo ng gamitin yung mga ideyang naisip mo, bigla bigla naman mawawala sa isip mo... yung tipong nakakaasar dahil kung kelan kelangan mo yung ideyang yon saka mo naman makakalimutan. Minsan maiinis ka nalang kakaisip dun sa naisip mo na nakalimutan mo na.. hardcore! Sabay sabay pumasok sa isip mo, sabay sabay ding nawala. ow men!
last na to:Naniniwala ba kayong nakaka-bugnot magbasa ng blog? Ako, OO! haha! Pero okey lang kasi biruin mo, umabot ka hanggang dito, at natapos mo ang entry ko. oh diba! Dapat kang palakpakan kaibigan! Isa kang matiyagang mambabasa! At natutuwa ako sayo. haha! aylabyuu! :) Dahil don, apir tayo! 0/\o
oh sya.. next entry ulet ha! :)
"Ang sarap tumawa lalo na kung malaman mo sayong sarili na may isasaya ka pa!" :)
Mabagal nanaman ang takbo ng oras, mabagal din ang takbo ng isip, mabagal ang pagkilos, mabagal ang mga pangyayari, nakakatamad!Ngayon na lang ulit nangyari na maghapon akong tumambay sa kwarto, walang sounds, walang creative juices, walang nagteteks, wala sa mood, walang gana tumayo sa kama. Gusto kong matulog buong hapon, kaso hindi pwede eh. nagigising ako. aw! badtrip! Buti nalang may katabi akong dalawang komiks na puno ng kalokohan. Pampatawa, at pampaantok na din parang yung OJT ko lang...
segwey..
Kwento ko lang ah, uhm...yung kwan, yung first two days ng OJT ko. :)
MONDAY: Ayun, ang asteeg eh. Nung una nakikiramdam, nung pangalawa nakikiramdam parin, pangatlo nakikiramdam parin, pang-apat ay eto na...tinanong na pangalan ko, iskul kung san nag-aaral, year level, course, contact number, kumpletong tirahan at suking tindahan (joke na to). Abala si mam, walang maipagawa sakin hanggang sa: ##: "kaya mo naman kahit anong gawain diba? **: "ahm..opo"! ##: "gud! sa ngayon kasi wala pa kong maipagawa sayo eh.. siguro mag-invemtory ka muna ng mga boxes ah.. lahat! wala kang dapat makaligtaan" **: "ohsige po".
Ayon! First day, nakahon ako! libre alikabok pa nga eh. Di ko akalain na sa room of folders, boxes and dust ako maa-assign. haha! KATROMA! pramis! Gusto kong magreklamo, kaso nahiya ako, ang bait kasi nung "boss" ko eh, makwento pati. Edi go with the flow ang banat ko, abala sila eh, edi makiki-abala din ako. haha!
WEDNESDAY: Wala si "boss" pero si "assistant boss" present. Ayos lang, mas mabait at makwento sya. Aktwali, nakwento na nya yung mala-MMK na kwento ng buhay nya. as in! Balik ako sa kahon, pero mas magaan trabaho ko this time. Xerox...gupit...xerox...gupit...label...dikit. parang naglalaro lang no. Medyo petiks ang araw na yon, pero desido akong matapos yung trabaho ko pero sa kasamaang palad, hindi ko natapos at may babalikan ako sa lunes.
Balik tayo dun sa unang talata... Madami nanaman akong natutunang kalokohan dahil dun sa "kikomachine komiks". Asteeeg! Kahit walang kwenta yung mga strip, matutuwa ka kung nakakarelate ka sa mga kalokohan ng mga tauhan. Rak en ROL! \m/ Salamat nga pala sa kaibigan kong itatago ko nalang sa pangalang "bertong badtrip", dahil sa pagpapahiram nya sakin nung kikomachine bilang 5 at 6. May napag-abalahan ako ngayong mahal na araw. Pero hindi ko pa natatapos yung bilang 5, gawa ng mas madami akong tulog kesa basa. Pero matatapos ko na yun bukas. for sure. :)
ok tapos na! YEY! :)
"hindi ako masamang damo. ako'y badtrip na damo!" -bertong badtrip-
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o magsisisi dahil may pag-0-0jt-han na ko. Osige na nga, matutuwa nalang ako, wala namang dapat ikasisi...siguro. Ewan ko ba, may nase-sense akong di maganda o siguro napa-paning lang ako. (*ngiti) Kasalukuyan akong nabuburyo sa init at wala akong magawa kaya naman naisipan kong mag OST (on-the-spot-TYPING), kung ano masabi ng utak, ay syang ita-type ko. :)
The Lazy song-Bruno Mars
(ipon memories...) Ok, GO!
1.chusy. Kahapon, nagpagdesisyonan ko ng maghanap ng kumpanya kung san ako pwedeng mag-ojt, kasama ng isa sa mga kaklase ko. Dala ang mga pwedeng requirement, inquire...inquire...inquire... First stop: SSS, hindi na daw sila tumatanggap ng ojt, balaik nalang daw kase sa july. Second stop: Quezon City Hall, hindi na din sila tumatanggap ng ojt, puno na den kasi may summer job daw sila. Third stop: National Housing Authority, puno na din sila (aw!) pero gusto nila kaming bumalik ng june, napilitan kaming mag-iwan ng resume ng labag sa loob. Binigay samin yung numero ng telepono nila at yung listahan ng requirement.
Tinamad na kaming maglakad kaya naman nagdesisyon kaming bumalik sa DOJ, kaso may problema, wala ng dalang resume yung isa kong kasama kaya naman namroblema kami ng bahagya. malapit na kami sa PHILCOA, naisip ko na merong internet shop malapit don at pinilit ko yung kasama ko na gumawa ng resume. Nakikisama ang pagkakataon, dala ko yung usb flashdrive kung san may kopya ko ng resume. (YES!) edit...edit...edit... Pagkatapos ng dalawamput isang minuto, natapos ang pag-eedit. (3:21pm) Nagmadali na kaming pumunta ng City Hall para kumuha ng police clearance, nakikisama parin ang pagkakataon, wala ng masyadong tao. (YES) fill-up...bayad..pa-picture... Pagkatapos nun, nagmadali na kaming pumunta ng DOJ. Pagpasok sa loob, hingal, pawisan, amoy araw, pero kanais-nais parin naman kaming tignan. :)
2.summer class. Sa wakas, umattend na din samin ang propesor namin sa english20 makalipas ang isang linggo na tinamad syang pumasok samin. Ayos, unang bungad samin, "tutorial fee" agad muna ang lesson. Pero parang sulit naman siguro ang ibabayad namin sakanya, magaling magsalita, maganda magturo, malinaw, pero trying hard magpatawa. Naninigil din pala sya ng mga xerox na papel.
3.karma. Kagabi, patay ang ilaw sa labas, madilim. paglagpas ko ng pinto, akala ko nagkaron ng pader sa labas ng bahay namin, nabigla ako at nawalan ng balanse.. ayun, may nakaharang na upuan. Sa takot kong bumagsak, hinarang ko yung tuhod ko sa upuan, sa kasamaang palad, bumagsak padin ako. Nagasgasan ang tuhod ko at hanggang ngayon may kirot padin. Nung una dedma, pero nung nagtagal, mahapdi.
"minsan masarap ang mag-isa,dahil may chance ka para makapag isip ng wasto at yung alam mong ikakabuti mo." :)
Tuwing maaga akong nagigising, otomatik yan pagpunta ko sa sala, "sapul sa singko" na ang palabas sa TV namin na tinututukan ng nanay at tatay ko. At ang pinaka paborito nilang segment don ay ang Love Hurts. Pero may isang segment sa sapul sa singko ang nakaaliwan kong abangan at panuorin, eto yung "WORD of the LOURD", kung san si Lourd De Veyra ang host. Sinubukan kong i-search sa youtube ang mga videos ng bawat episode sa Word of the Lourd at ang mga sumusunod ang nagustuhan ko.
Sa gitna ng pag-iisip, kunot na noo, di mabilang na buntong hininga,hindi mapakaling kamay na paulit-ulit na ginugulo ang bangs, nangingibabaw ang pag-aalinlangan. Ang bisyo ng buhay...parang cellphone, minsan walang load, minsan unlimited, minsan may load pero useless, minsan lowbat, nakapatay. Sa ngayon hindi ako makapag-isip ng maayos! Parang gusto kong maging epal sa ibang tao ngayon, mangabala ng abala, magpapansin. Ay ewan, may gusto akong ilathala sa tekstong ito, ngunit hindi ko magawa dahil ngarag ang isip ko. Akala ko ok na ang lahat. eh okey naman na talaga, maarte lang ako. Hay, bisyo ng buhay! Hindi naman sa pagiging literal,pero yung ibang bagay ay pawang katotohonan ay may kinikilingan. Wala lang! Nag-aalinlangan ako sa isang bagay at wala akong masabe. Ang bilis ng panahon. Yung dating segundo eh lumipas na at kalaunan ay naging taon. Hindi ko mailabas ang saloobin ko, trip nyang magtago. Misan naisip ko, mabisyo ba ko? O baka magulo lang ang isip ko.
Naunawaan mo ba? hindi? ayos lang. APIR TAYO! :) o/\o
Bilang isang normal na estudyante ng college, normal din naman siguro angmagkaroon ng "summer class". Isa lang naman kasi ako sa mga estudyantengnagtitiis na walang bakasyon, gumigising ng maaga, nag-aantay ng propesor, tumatambay sa koridor, nakatunganga, antay ng susunod na sabdyek, tambay salabas ng geyt, nakikipagkulitan sa mga kaklaseng nagsa-summer class din. Ngayong bakasyon, ganyan lang ang takbo ng buhay ko sa eskwela araw araw, napakaswerte ko pa din dahil kahit papano hindi ako nabuburyo sa bahaykakakaen, kakanuod at kakatulog. May oras na nagsisisi ako dahil kailangan kongmagsummer sa eskwela, hindi ko tuloy maasikaso yung OJT ko, pero dahilmababait ang mga propesor namin, binibigyan kami ng mgandang iskedyul at dahil don, I'm not hopeless anymore!:) kung noon, nade-depres ako kaka-isip ng kung pano ako makakapag-ojt habang nag-aaral, hindi na ngayon. Sa isang linggo, dalawang araw ang ang pasok ko, may bakante akong tatlong araw sa wikdeys, siguro oras yon para makapag-ojt na ko. (nablangko...brgrgeyrrr...gutom) ...okey, go!
Sa tatlong sabdyek na binabalikan ko, hindi ko naman inisip na ganung ako katamad mag-aral, siguro may rason para dito (pampalubag loob) , para pagsisihan ko yung mga bagay na hindi ko nagawa noon tulad ng pagiging tamad ko magbasa ng mga announcements sa bulletin board, late magpasa ng requirements at tamad magdala ng requirements. Natutuwa nga ako eh, kahtpapano na-ikpiryens ko ang sumer class, hindi naman ako nabuburyo sa eskwela dahil madami akong kausap, kakwentuhan at katawanan. Mas okey na yun, kesa naman ipagwalang bahala ko ulit ang mga sabdyek na pinabayaan ko na noon. Sa ngayon, gusto ko lang ng positive energy para makaraos ako dito sa pinasukan ko tutal hindi lanag naman ako nag-iisa eh, at matatapos ko to ng maayos. :)